1
00:00:01,919 --> 00:00:03,379
Sabi sa telegrama
2
00:00:03,462 --> 00:00:08,217
pupunta ng Karafuto si Tinyente Tsurumi
matapos mag-asikaso sa Noboribetsu.
3
00:00:08,300 --> 00:00:09,385
{\an8}TOYOHARA - ODOMARI
4
00:00:09,468 --> 00:00:12,263
Makikipagkita siya sa atin sa Odomari
sa loob ng dalawang linggo.
5
00:00:12,346 --> 00:00:14,348
Gusto niyang maghintay muna tayo ngayon.
6
00:00:15,057 --> 00:00:17,601
Mananatili muna tayo sa Toyohara.
7
00:00:18,352 --> 00:00:21,272
Ang Toyohara kasi ay mas malaking lungsod.
8
00:00:21,856 --> 00:00:23,858
Kaya makakahanap tayo
ng mas magandang matutuluyan doon.
9
00:00:23,941 --> 00:00:25,943
Iyan na muna sa ngayon.
Maaari na kayong umalis.
10
00:00:30,406 --> 00:00:31,407
Sugimoto.
11
00:00:32,366 --> 00:00:36,287
Nakausap ni Asirpa si Kiroranke
bago ito namatay.
12
00:00:37,538 --> 00:00:39,582
Payapa ang mukha nito
13
00:00:40,207 --> 00:00:42,793
at sinabing, "Ikaw na ang bahala sa iba."
14
00:00:43,544 --> 00:00:47,798
Maaaring nalaman na ni Asirpa
kung paano hanapin ang ginto.
15
00:00:49,341 --> 00:00:51,969
Baka sinubukan siyang patayin ni Ogata
dahil nalaman na nito
16
00:00:52,052 --> 00:00:54,472
at wala siyang silbi rito nang buhay.
17
00:00:54,555 --> 00:00:55,848
Hindi niya gagawin iyon.
18
00:00:57,516 --> 00:01:00,436
Kakausapin ko siya. Huwag kang makialam.
19
00:01:02,313 --> 00:01:06,150
Sa tingin ko ay hindi pa nakikilala
ni Asirpa si Tinyente Tsurumi,
20
00:01:07,818 --> 00:01:12,281
pero hindi siya magtitiwala
sa ganoong lalaki.
21
00:02:45,791 --> 00:02:50,212
{\an8}EPISODE 41 - CINEMATOGRAPH
22
00:02:58,762 --> 00:03:00,514
{\an8}Saan ka nagmula?
23
00:03:01,140 --> 00:03:02,766
{\an8}Sino ang lalaking iyan?
24
00:03:06,520 --> 00:03:08,147
{\an8}Mula kami sa timog ng dagat.
25
00:03:09,023 --> 00:03:11,191
{\an8}Tiyuhin ko siya.
26
00:03:11,275 --> 00:03:12,526
{\an8}Malaki ang bayag niya.
27
00:03:20,576 --> 00:03:23,954
Malapit lang ang kotan nila,
kaya gusto nilang malaman kung sino tayo.
28
00:03:24,038 --> 00:03:26,624
Salamat sa iyo,
29
00:03:26,707 --> 00:03:29,251
mabait sa atin ang mga tao sa Karafuto.
30
00:03:30,169 --> 00:03:32,504
Pero alam na ng lahat sa Karafuto
ang tungkol sa malaking bayag ko,
31
00:03:32,588 --> 00:03:35,883
dahil iyan lagi ang pakilala mo sa akin.
32
00:03:37,760 --> 00:03:41,221
Mabuti na lang
at hindi kita dinispatsa noon.
33
00:03:42,348 --> 00:03:45,559
Nagawa rin nating magpanggap
sa Hokkaido na pamilya tayo.
34
00:03:46,101 --> 00:03:48,520
Ayos na kaya ngayon si Inkarmat?
35
00:03:48,604 --> 00:03:52,775
Sabi sa telegrama ay kaya na niya
muling maglakad at magsalita.
36
00:03:52,858 --> 00:03:55,444
Talaga? Magandang balita iyan!
37
00:03:55,527 --> 00:03:58,739
Oo. Dalawin natin siya
oras na makabalik tayo sa Hokkaido.
38
00:04:00,199 --> 00:04:01,450
Cikapasi.
39
00:04:03,702 --> 00:04:04,995
Aalis ka na ba?
40
00:04:13,921 --> 00:04:17,383
-Hoy, Sugimoto. Tingnan mo ito.
-Tae ba iyan?
41
00:04:17,967 --> 00:04:21,261
Bakas ng paa ng wolverine.
Ang uring sinabi mo sa akin, hindi ba?
42
00:04:21,345 --> 00:04:22,638
Ah, iyon.
43
00:04:23,555 --> 00:04:26,642
Mas mabilis at mas mabangis sila
sa mga oso.
44
00:04:27,226 --> 00:04:28,894
Hindi ko nagawang makakita ng isa.
45
00:04:30,104 --> 00:04:31,939
Oy, manghuli tayo ng wolverine.
46
00:04:32,022 --> 00:04:36,318
Dumayo tayo hanggang dito. Alam kong gusto
mong tikman ang utak n'un bago umalis.
47
00:04:36,402 --> 00:04:38,821
Pareho lang ang lasa ng lahat ng utak!
48
00:04:40,114 --> 00:04:43,242
Magsindi tayo at mag-alay ng dasal
bago tayo pumasok sa kagubatan.
49
00:04:49,331 --> 00:04:53,752
Makabagong babaeng Ainu ka man,
pero hindi mo pinalalampas na magritwal.
50
00:04:57,297 --> 00:04:59,717
Maraming panganib
ang nagkukubli sa kabundukan.
51
00:05:00,217 --> 00:05:03,220
Tinutulungan tayo ng mga ritwal na ito
na manatiling maingat.
52
00:05:04,596 --> 00:05:05,889
Ngayong may posporo na tayo,
53
00:05:05,973 --> 00:05:10,144
gagamit lang tayo ng mga kagamitang ito
kapag nangangaso.
54
00:05:11,311 --> 00:05:13,147
Gusto kong ingatan ang tradisyon.
55
00:05:27,119 --> 00:05:29,371
{\an8}Bumalik ka sa Russia.
56
00:05:30,372 --> 00:05:31,749
Isang batang Ainu.
57
00:05:33,042 --> 00:05:35,419
Nakaka-intriga iyon.
58
00:05:35,502 --> 00:05:38,547
Maaari mo bang ipakita sa amin
mula sa umpisa?
59
00:05:38,630 --> 00:05:40,716
At sino ka?
60
00:05:40,799 --> 00:05:43,177
Kumukuha kami ng mga gumagalaw na larawan.
61
00:05:44,303 --> 00:05:45,429
Ano iyon?
62
00:05:48,223 --> 00:05:50,142
Ayon!
63
00:05:51,602 --> 00:05:53,145
Ano ito?
64
00:05:53,771 --> 00:05:55,814
Iwasiwas mo. Papatayin ko gamit
ang pana kong may lason.
65
00:05:57,399 --> 00:05:58,484
Ihahagis ko!
66
00:06:01,445 --> 00:06:03,280
Asirpa, sa likod mo!
67
00:06:16,460 --> 00:06:19,046
Magaling. Nakuha mo ba?
68
00:06:19,129 --> 00:06:21,757
Atras! Nakatayo ang mga balahibo niyan!
69
00:06:32,351 --> 00:06:35,354
Sa wakas ay nakatikim na tayo
ng utak ng wolverine, Sugimoto.
70
00:06:35,437 --> 00:06:36,855
Hinna hinna, ha?
71
00:06:38,440 --> 00:06:40,400
Hindi. Pareho lang ang lasa nilang lahat.
72
00:06:41,193 --> 00:06:44,488
Ano uli ang kinukunan ninyo rito?
73
00:06:45,155 --> 00:06:48,492
Kinikunan namin ang mga pangangaso
ng mga Karafuto Ainu,
74
00:06:48,575 --> 00:06:51,453
pero nahiwalay kami sa mga mangangaso.
75
00:06:52,246 --> 00:06:54,206
Iba ba ito sa pagkuha ng mga larawan?
76
00:06:54,790 --> 00:06:58,794
Ito ay gamit sa pagkuha
na tawag ay sinematograpo.
77
00:06:58,877 --> 00:07:02,297
Marami ang nakukunan ng gamit na ito,
tulad ng daloy ng oras
78
00:07:02,381 --> 00:07:06,969
o galaw ng mga tao sa pagkuha
nang mabilis na pagkakasunod-sunod.
79
00:07:07,845 --> 00:07:12,975
Ginamit namin ang sinematograpong ito
para itala ang kulturang Ainu.
80
00:07:13,058 --> 00:07:14,309
BAHAY-PANULUYAN
81
00:07:14,393 --> 00:07:18,063
Ang Lumiére, ang kumpanyang
nag-imbento ng sinematograpo,
82
00:07:18,147 --> 00:07:21,358
ay nagpadala ng mga technician
sa bawat sulok ng mundo.
83
00:07:21,441 --> 00:07:24,987
Ang Japan ang isa sa mga pinakapopular
na lugar na kunan ng pelikula.
84
00:07:26,071 --> 00:07:28,740
Siya si Girel, isang technician
ng Lumiére.
85
00:07:28,824 --> 00:07:31,618
At ako si Katsutarou Inaba.
86
00:07:31,702 --> 00:07:35,372
Binigyan ako ng Lumiére ng ekslusibong
karapatang ipalabas ang pelikula sa Japan.
87
00:07:35,455 --> 00:07:37,749
Isa akong producer
ng mga gumagalaw na litrato.
88
00:07:38,458 --> 00:07:40,878
Paano mapapanood
ang mga gumagalaw na litrato?
89
00:07:46,091 --> 00:07:49,845
Wow! Gumagalaw sila!
Nagsasayaw ang mga tao sa litrato!
90
00:07:52,181 --> 00:07:56,435
Nagtungo kami sa Karafuto dahil
narinig namin ang tungkol sa Ainu rito.
91
00:07:56,518 --> 00:08:01,315
Mainit ang pagtanggap sa Lumiére
ng mga pelikula ukol sa Ainu ng Hokkaido.
92
00:08:01,982 --> 00:08:02,983
Tama?
93
00:08:03,692 --> 00:08:06,695
May mga pelikula ka pa ba
ng mga sayaw na Ainu?
94
00:08:06,778 --> 00:08:10,365
Eh ang pagsasalaysay ng kuwento?
95
00:08:10,449 --> 00:08:13,118
Wala kaming nakunan
na pagsasalaysay ng kuwento.
96
00:08:13,785 --> 00:08:16,330
Hindi nakakakuha ng boses
ang aparatong ito.
97
00:08:18,165 --> 00:08:20,709
Hindi mo maipepreserba ang boses
sa isang imahe.
98
00:08:22,794 --> 00:08:26,548
Isadula natin ang kuwentong Ainu
at ipreserba sa mga pelikula!
99
00:08:26,632 --> 00:08:30,135
Ibig mong sabihin ay gusto mong
magsadula at i-rekord iyon?
100
00:08:30,219 --> 00:08:33,889
Kumuha kami ng mga pagtatanghal na Kabuki.
101
00:08:34,723 --> 00:08:37,726
Pero pasalita lang ang mga kuwento
ng mga Ainu.
102
00:08:37,809 --> 00:08:39,770
Hindi ba puwede ang pag-rekord ng boses?
103
00:08:40,354 --> 00:08:43,857
Isa pa, hindi bahagi ng kultura mo
ang mga dula.
104
00:08:43,941 --> 00:08:46,818
Pero mas makakatulong ang mga galaw
na maintindihan ng mga tao ang kuwento.
105
00:08:46,902 --> 00:08:52,324
Ang pelikula ay magandang paraan para
ibahagi ang kuwento natin sa mga banyaga!
106
00:08:54,368 --> 00:08:56,954
Alam mo, isa akong producer.
107
00:08:57,037 --> 00:09:01,583
Wala akong oras na dapat sayangin
sa ideyang maaaring mawala.
108
00:09:01,667 --> 00:09:04,544
Pangako kong magiging maganda ito!
109
00:09:04,628 --> 00:09:06,922
Gawin mo na lang ang sasabihin niya.
110
00:09:07,005 --> 00:09:11,009
Kung hindi dahil kay Asirpa, nasa
tiyan ka na ng wolverine ngayon.
111
00:09:11,551 --> 00:09:13,053
O ganyan ka talaga kawalang utang na loob?
112
00:09:14,763 --> 00:09:18,058
Ang una ay ang
Mga Kuwento nina Panampe at Penampe.
113
00:09:19,226 --> 00:09:23,647
Ang Panampe ay "tao mula sa baba,"
at ang penampe ay "tao mula sa taas."
114
00:09:23,730 --> 00:09:26,316
Maraming kuwento ukol
sa dalawang lalaking iyon.
115
00:09:26,900 --> 00:09:29,653
Sa bawat kuwento, ang panampe
ay nagiging mayaman.
116
00:09:29,736 --> 00:09:32,406
Nagseselos ang penampe
at kinokopya ang panampe,
117
00:09:32,489 --> 00:09:35,200
pero dahil sakim siya,
masama ang kinalalabasan.
118
00:09:35,284 --> 00:09:37,744
Parang ang langaw at ang garapon ng pulot.
119
00:09:38,328 --> 00:09:40,747
Tampok sina Saichi Sugimoto
bilang ang panampe
120
00:09:40,831 --> 00:09:42,958
at si Yoshitake Shiraishi bilang penampe!
121
00:09:43,041 --> 00:09:44,042
{\an8}SA DIREKSYON NI ASIRPA
122
00:09:44,126 --> 00:09:45,585
{\an8}Ang iskrip para sa kuwento niya.
123
00:09:46,628 --> 00:09:48,922
Mga gumagalaw na litrato, mag-shoot na!
124
00:09:49,006 --> 00:09:51,425
Simula!
125
00:09:54,052 --> 00:09:58,557
Isang araw, nagbutas ang panampe sa ilog
na nagyeyelo at dinutdot doon ari niya.
126
00:09:58,640 --> 00:10:00,642
Kakaiba na kaagad ang kuwentong ito!
127
00:10:02,227 --> 00:10:05,230
Naipon ang mga isda sa kaniyang ari.
128
00:10:05,314 --> 00:10:07,899
Umuwi siya na may basket na puno ng isda.
129
00:10:07,983 --> 00:10:09,860
Masayang-masaya ang asawa niya.
130
00:10:09,943 --> 00:10:12,404
Cut. Ihinto ang reel!
131
00:10:12,988 --> 00:10:16,908
Napakarami ninyong pagkain sa taglamig,
kung kailan kakaunti ang mga pagkukunan.
132
00:10:16,992 --> 00:10:20,704
Iyan ba ang mga mukhang ipapakita ninyo?
133
00:10:20,787 --> 00:10:25,042
Nagkukuwento tayo gamit ang mga litrato.
Kailangan mas kita ang emosyon sa inyo!
134
00:10:25,125 --> 00:10:27,044
Puwede kayong palitan, alam n'yo ba iyon?
135
00:10:27,127 --> 00:10:29,046
Paumanhin po talaga.
136
00:10:30,339 --> 00:10:33,508
Tinatamasa ng panampe ang magandang buhay
nang dumaan ang penampe.
137
00:10:33,592 --> 00:10:36,428
Tinanong niya ang panampe
kung paano naging maganda ang buhay nito.
138
00:10:38,138 --> 00:10:42,142
Tulad ng panampe, inilubog ng penampe
ang ari niya sa nagyeyelong ilog.
139
00:10:42,225 --> 00:10:44,686
Pero magdamag na nanatili roon
ang sakim na lalaki.
140
00:10:45,979 --> 00:10:48,899
Sa magdamag ay nagyelo ang ari ng penampe,
at talagang naipit siya.
141
00:10:48,982 --> 00:10:51,943
Sinubukan ng asawa niya na basagin
ang yelo gamit ang puthaw…
142
00:10:54,279 --> 00:10:56,323
pero sa halip ay naputol niya
ang ari nito.
143
00:10:57,866 --> 00:11:00,369
Kung kaya namatay ang penampe
sa isang hangal na paraan.
144
00:11:00,452 --> 00:11:02,579
Nakakakilabot na kuwento!
145
00:11:03,538 --> 00:11:05,332
Ayoko ng bahay na iyon sa kuha ko.
146
00:11:05,415 --> 00:11:07,250
Tanungin mo ang may-ari noon
kung puwede nating gibain iyon.
147
00:11:07,334 --> 00:11:08,627
Kalokohan iyon!
148
00:11:09,294 --> 00:11:11,838
May oras pa ba tayo para roon?
149
00:11:12,381 --> 00:11:13,507
Napakatagal naman.
150
00:11:14,091 --> 00:11:16,259
Sinabihan kitang layuan mo ako.
151
00:11:18,345 --> 00:11:21,807
Tsukishima,
dinig ko ay dinadaya mo si Sugimoto.
152
00:11:22,307 --> 00:11:24,643
Gusto mong gampanan ang isang babae
para mas matagal kang mapapanood.
153
00:11:24,726 --> 00:11:27,562
Ang mga Kuwento nina Panampe at Penampe,
ikalawang bahagi.
154
00:11:27,646 --> 00:11:30,107
Maghanda… Simula!
155
00:11:31,400 --> 00:11:34,611
Isang araw, binabatak ng panampe
ang ari niya sa dalampasigan.
156
00:11:34,694 --> 00:11:35,987
Nakakaloko na ito!
157
00:11:37,114 --> 00:11:39,616
Umabot sa Matsumae ang ari niya.
158
00:11:39,699 --> 00:11:41,618
Hoy, Ruso, umalis ka sa eksena!
159
00:11:43,078 --> 00:11:47,416
Akala ng asawa ng mga retainer ng Matsumae
ay may nakita silang matibay na sampayan.
160
00:11:47,499 --> 00:11:49,876
Isinampay nila ang pinakamagandang kimono
nila sa ari ng panampe.
161
00:11:51,294 --> 00:11:55,006
Nang ibinalik ng panampe ang ari niya,
sumama rin lahat ng mga kimono.
162
00:11:56,174 --> 00:11:59,344
Tapos ay nakita ng penampe ang panampe,
na mayaman na ngayon.
163
00:11:59,428 --> 00:12:02,514
Narinig ng penampe mula
sa panampe ang ginawa nito.
164
00:12:03,849 --> 00:12:06,893
Iniunat din ng penampe ang ari niya
sa dagat.
165
00:12:08,728 --> 00:12:11,064
Tulad noon, dumating ang mga asawa
ng mga retainer.
166
00:12:11,148 --> 00:12:13,525
Ngunit batid nilang kinuha
ng sampayan ang mga kimono nila.
167
00:12:14,609 --> 00:12:16,445
Binunot nila ang mga katana nila
at pinagputol-putol ito.
168
00:12:18,530 --> 00:12:20,740
Namatay ang penampe
sa isang hangal na paraan.
169
00:12:21,366 --> 00:12:23,285
Teka. Namamatay ba ako
sa bawat pagtatapos ng kuwento?
170
00:12:24,286 --> 00:12:27,539
Hindi puwede ito.
Hindi ganoon kaganda ang mga dulang ito!
171
00:12:28,540 --> 00:12:31,585
Ano'ng problema? Mukhang hindi ka ayos.
172
00:12:32,210 --> 00:12:35,714
Hindi sila magtatagal sa panahon!
173
00:12:36,298 --> 00:12:39,718
Kung kumuha tayo ng seryosong kuwento,
hindi tungkol sa mga ari?
174
00:12:40,760 --> 00:12:42,971
Maganda iyon, Sugimoto.
175
00:12:43,597 --> 00:12:48,226
Karamihan sa mga kuwento ukol sa panampe
at penampe ay bastos.
176
00:12:48,310 --> 00:12:51,438
Pagkatapos ay kukunan natin ang
Ang Buhay ni Kesorap.
177
00:12:51,938 --> 00:12:54,357
Ang kuwentong ito ay tungkol
sa tatlong magkakapatid na lalaki.
178
00:12:54,441 --> 00:12:55,901
Cikapasi, ikaw ang bida!
179
00:12:56,526 --> 00:12:57,819
Ayos, Cikapasi!
180
00:12:57,903 --> 00:13:00,322
Handa, kuha!
181
00:13:01,281 --> 00:13:04,659
Mayroon akong kuya
at mas batang kapatid na lalaki.
182
00:13:04,743 --> 00:13:06,703
Lagi kaming magkakasamang nangangaso.
183
00:13:07,746 --> 00:13:10,582
Isang araw habang nangangaso, malayo
ang nilakbay namin at nakatagpo ng bahay.
184
00:13:11,791 --> 00:13:13,835
Tatlong magkakapatid na babae
ang nakatira roon.
185
00:13:14,794 --> 00:13:18,215
Kaya niluto namin ang nahuli namin
at nagkwento ng mga yukar.
186
00:13:19,508 --> 00:13:22,093
Pagkatapos, may lumapit sa aming
kaduda-dudang lalaki.
187
00:13:23,428 --> 00:13:26,348
Sabi ng kuya ko na gulpihin ko
ang lalaki gamit ang patpat.
188
00:13:27,474 --> 00:13:31,228
Lumalabas, isang oso pala iyon
na nagpapanggap na lalaki!
189
00:13:32,687 --> 00:13:35,357
Puro anak na babae lamang
ang nasa pamilyang iyon,
190
00:13:35,440 --> 00:13:37,442
kaya walang makapangaso ng mga oso.
191
00:13:37,526 --> 00:13:39,236
Natuwa ang mga anak na babae.
192
00:13:40,612 --> 00:13:42,364
Matapos ng isa pang mahabang biyahe,
193
00:13:43,448 --> 00:13:45,909
muli naming narating
ang bahay ng mga babae.
194
00:13:45,992 --> 00:13:48,995
Ngayon ay sinabi ng tatay na gusto niyang
pakasalan namin ang mga anak niya.
195
00:13:50,247 --> 00:13:52,415
Naging manugang nila ako,
196
00:13:52,499 --> 00:13:55,001
nagsikap, at namuhay nang masaya.
197
00:13:59,756 --> 00:14:03,552
Pagkatapos ay pinakita ng panganay
na lalaki na hindi siya tao
198
00:14:03,635 --> 00:14:06,513
ngunit isang ibon na kamuy
na tinatawag na Kesorap.
199
00:14:07,639 --> 00:14:12,519
Naging isang magandang ibon siya
at iniladlad mga pakpak niya sa langit.
200
00:14:13,270 --> 00:14:15,146
Hila! Taas pa!
201
00:14:15,230 --> 00:14:16,606
Ang bigat niya!
202
00:14:17,190 --> 00:14:20,318
Cikapasi, bakit ka tulala?
203
00:14:21,236 --> 00:14:23,613
Wala kang maipapakitang kahit ano
sa ekspresyon na iyan!
204
00:14:23,697 --> 00:14:26,491
Makinig ka, Cikapasi. Sa eksenang ito,
205
00:14:26,575 --> 00:14:30,203
isinama ka ng panganay, nangaso kayo,
206
00:14:30,287 --> 00:14:33,456
at nakipaglaban pa sa masamang kamuy
para palakihin ka bilang tao.
207
00:14:33,540 --> 00:14:36,126
Salamat sa kaniya,
nagkaroon ka ng sarili mong pamilya.
208
00:14:38,044 --> 00:14:40,880
Nagpapapaalam ka na
sa minamahal mong kapatid!
209
00:14:43,049 --> 00:14:45,510
Naging ulan ang mga luha ng ibon
210
00:14:46,219 --> 00:14:48,513
at bumuhos mula sa taas.
211
00:14:48,597 --> 00:14:50,140
Tanigaki nispa.
212
00:14:58,023 --> 00:15:01,151
Magaling! Nakuha ba ng kamera?
213
00:15:07,032 --> 00:15:08,033
KANOYA
214
00:15:08,116 --> 00:15:11,077
Inupahan natin ang teatrong ito
para magpalabas.
215
00:15:11,661 --> 00:15:13,872
Salamat kay Ikalawang Tinyente Koito.
216
00:15:13,955 --> 00:15:16,458
Alam talaga ng mga mayayaman
kung paano gumastos ng pera.
217
00:15:32,682 --> 00:15:35,602
Ay, naku! Ang mga bayag ko!
218
00:15:57,582 --> 00:15:58,792
Ang galing!
219
00:16:01,294 --> 00:16:02,295
Ha?
220
00:16:02,379 --> 00:16:04,714
Nakunan ba natin ito?
221
00:16:04,798 --> 00:16:05,924
Hindi.
222
00:16:06,007 --> 00:16:08,051
Hindi iyan tahanan ng isang Karafuto Ainu.
223
00:16:09,010 --> 00:16:13,264
May napansin si Girel
habang kinukunan ka niya.
224
00:16:13,348 --> 00:16:15,892
Gusto niyang panoorin mo ang kuhang ito.
225
00:16:18,061 --> 00:16:21,815
Kinunan namin ito sa Otaru
mahigit isang dekada na ang nakakaraan.
226
00:16:25,485 --> 00:16:27,570
Iyan ang kotan ko!
227
00:16:35,704 --> 00:16:36,746
Acha!
228
00:16:38,248 --> 00:16:42,252
Naaalala ko pa rin
ang asul na asul niyang mata.
229
00:16:42,335 --> 00:16:45,004
Teka. Si Wilk ba iyan?
230
00:16:45,588 --> 00:16:48,049
Ganyan pala ang itsura noon ng Nopperabou.
231
00:16:50,635 --> 00:16:53,555
Kung gayon ang babaeng
katabi niya siguro ay si…
232
00:16:59,644 --> 00:17:03,690
Sabi ni Girel ay kamukhang-kamukha mo
ang babaeng ito.
233
00:17:15,452 --> 00:17:20,290
Sabi ni Acha mabait siya. Masayahin siya
tulad ng maaliwalas na araw.
234
00:17:24,878 --> 00:17:27,714
Mukhang mabait na tao siya.
235
00:17:40,310 --> 00:17:43,938
Nagmula sa Karafuto ang tatay mo.
236
00:17:44,022 --> 00:17:47,484
Gusto niyang maging mamamayan ng Japan
para mapakasalan siya.
237
00:17:48,151 --> 00:17:50,737
Nagbiro ako at sinabi kong magiging
sundalo siya kapag may isa pang digmaan,
238
00:17:50,820 --> 00:17:53,156
kaya mainam na huwag kumuha n'un.
239
00:17:54,199 --> 00:17:57,118
Lumaban ba sa siya
sa Digmaang Ruso-Hapones?
240
00:18:04,292 --> 00:18:06,169
Lumabas ang lahat!
241
00:18:06,252 --> 00:18:09,589
Girel, huwag mong hayaang masunog
ang ibang mga pelikula!
242
00:18:15,220 --> 00:18:17,472
Gumagamit ng mga lamparang arc
ang mga imaheng palabas ng sinematograpo,
243
00:18:17,555 --> 00:18:22,018
na lumilikha ng mga kuryenteng
arko at mitsa.
244
00:18:22,101 --> 00:18:27,023
Binalutan ng nitrocellulose ang negatibo,
ang parehong sangkap sa pulbura.
245
00:18:27,106 --> 00:18:29,317
Madalas itong makagawa
ng aksidenteng sunog.
246
00:18:29,400 --> 00:18:33,822
Maraming makasaysayang pelikula
ang naging abo na.
247
00:18:34,989 --> 00:18:36,115
Nasaan si Asirpa?
248
00:18:42,413 --> 00:18:43,540
Asirpa!
249
00:18:48,545 --> 00:18:49,629
Ayos ka lang ba?
250
00:18:51,130 --> 00:18:53,675
Magandang teknolohiya
ang gumagalaw na litrato,
251
00:18:54,634 --> 00:18:59,681
pero hindi ito sapat para idokumento
ang kabuuan ng paraan ng pamumuhay namin.
252
00:19:00,682 --> 00:19:03,393
Iyon ang unang beses na nakita ko
ang mukha ng aking ina,
253
00:19:04,060 --> 00:19:06,187
pero hindi ko naaalala ang panahong iyon.
254
00:19:07,188 --> 00:19:10,233
Ang mga bagay na sinabi sa akin
ni Acha ukol sa nanay ko
255
00:19:10,316 --> 00:19:12,527
ay nanatili sa akin.
256
00:19:13,111 --> 00:19:17,532
Kung hindi namin iingatan ang kultura,
kalaunan ay mawawala iyon.
257
00:19:18,783 --> 00:19:22,328
Ipinakita sa akin ni Kiroranke nispa
ang iba pang tribo at mga pamumuhay nila.
258
00:19:24,247 --> 00:19:27,292
Hindi ko matututuhan ang mga ito
kung nanatili ako sa Hokkaido.
259
00:19:29,252 --> 00:19:32,714
Ang paglalakbay ko sa Karafuto
ang nagturo sa akin ng lahat ng ito.
260
00:19:34,465 --> 00:19:36,593
Gaya ng sinabi ni Kiroranke at Acha.
261
00:19:37,427 --> 00:19:40,388
Kung nais nating protektahan ito, ano pa
ang magagawa natin maliban sa lumaban?
262
00:19:42,682 --> 00:19:45,810
Pero bakit kailangan mong lumaban?
263
00:19:47,020 --> 00:19:49,898
Sinasabi mo ba sa aking bumalik sa Otaru
matapos nating mahanap ang ginto
264
00:19:49,981 --> 00:19:52,400
at manghabol ng mga oso at usa,
265
00:19:52,984 --> 00:19:56,696
tulad ng ginagawa ko noon?
266
00:19:57,655 --> 00:20:00,617
Isinakripisyo ni Kiroranke nispa ang
buhay niya para ituro sa akin ang mga ito.
267
00:20:01,576 --> 00:20:03,786
Hindi puwedeng basta ako umalis ngayon.
268
00:20:05,038 --> 00:20:08,416
Pero hindi mo na dapat
kailangang lumaban, Asirpa.
269
00:20:08,499 --> 00:20:10,001
Sugimoto,
270
00:20:10,835 --> 00:20:13,922
sinasagip mo ba ako o ang sarili mo?
271
00:20:14,005 --> 00:20:19,677
Pinapaalala ko sa iyo kung sino ka noong
kumakain ka pa ng pinatuyong persimmon.
272
00:20:28,269 --> 00:20:29,562
Bahagi nito iyon.
273
00:20:31,147 --> 00:20:34,817
Pero hindi ko pa nasasabi sa iyo
ang sinabi sa akin ni Wilk sa Abashiri
274
00:20:35,568 --> 00:20:37,820
bago siya mabaril.
275
00:20:38,404 --> 00:20:43,618
Sabi niya ay tinuruan ka niya
ng pakikipaglaban sa bundok.
276
00:20:44,285 --> 00:20:46,454
Sabi niya ay pagdating ng araw
ay pamumunuan mo ang mga Ainu.
277
00:20:49,582 --> 00:20:51,292
Isinama ka rito ni Wilk,
278
00:20:51,376 --> 00:20:54,003
kahit na inosenteng bata ka pa lang.
279
00:20:55,254 --> 00:20:57,924
At sa huli, sa pagsuko niya sa buhay niya,
280
00:20:58,007 --> 00:21:02,762
walang iniwan sa iyo si Kiroranke kundi
protektahan ang mga mahal mo sa buhay
281
00:21:02,845 --> 00:21:04,722
sa pamamagitan ng pakikipaglaban.
282
00:21:06,015 --> 00:21:07,725
Hindi kita maaaring hayaan pa.
283
00:21:08,893 --> 00:21:10,853
Ang pamunuan ang mga Ainu at mamatay.
284
00:21:11,521 --> 00:21:13,773
Ang lumaban at patayin ang mga kalaban mo.
285
00:21:13,856 --> 00:21:17,902
Parang iniwanan ka nila ng sumpa.
286
00:21:18,653 --> 00:21:21,739
Hindi pa ako nagpapalaki ng bata.
287
00:21:21,823 --> 00:21:25,660
Marahil ay ipinapasa nga ng mga sundalo
ang responsibilidad nila sa mga anak nila.
288
00:21:26,285 --> 00:21:29,205
Pero ito ba talaga ang gusto mo?
289
00:21:31,958 --> 00:21:35,586
Sabi mo ang mga taong pumapatay ng iba
ay nakatakdang pumunta sa impiyerno.
290
00:21:37,005 --> 00:21:40,466
Asirpa, hindi ka relihoyoso.
Paano mo ipapaliwanag iyon?
291
00:21:41,968 --> 00:21:47,056
Sinuman ang naunang nakaisip ng impiyerno
ay baka nakapatay nang daan-daan tulad ko.
292
00:21:47,140 --> 00:21:50,226
Baka nagdurusa sila dahil
hindi sila makabalik sa kainosentehan.
293
00:21:51,477 --> 00:21:53,980
Pero hindi ka pa ganoon, Asirpa.
294
00:21:54,897 --> 00:21:58,860
Ayoko nang madamay ka pa
sa digmaang ito para sa ginto.
295
00:22:00,319 --> 00:22:02,530
Kapag nauunanwaan mo na,
magiging huli na ang lahat.
296
00:22:12,290 --> 00:22:14,208
UNANG TINYENTE TOKUSHIROU TSURUMI
297
00:22:14,292 --> 00:22:16,210
SARHENTO HAJIME TSUKISHIMA
298
00:22:17,670 --> 00:22:19,964
{\an8}IKALAWANG TINYENTE OTONOSHIN KOITO
299
00:22:20,631 --> 00:22:22,925
{\an8}PRAYBAYT NG UNANG KLASE
KOUHEI AT YOUHEI NIKAIDOU
300
00:22:23,009 --> 00:22:25,053
SUPERYOR NA PRAYBAYT TOKISHIGE USAMI
301
00:22:25,136 --> 00:22:27,180
IKALAWANG TINYENTE YUUSAKU HANAZAWA
302
00:22:28,014 --> 00:22:30,767
UNANG KLASE NG HUKBONG IMPERYONG JAPAN
RIKIMATSU ARIKO - IPOPTE
303
00:22:30,850 --> 00:22:32,852
{\an8}OPISYAL NG WARRANT MOKUTAROU KIKUTA
304
00:22:33,978 --> 00:22:35,938
TOSHIZOU HIJIKATA
WALANG AWANG BISE-KOMANDER
305
00:22:36,022 --> 00:22:38,274
TATSUUMA USHIYAMA
USHIYAMA ANG HINDI NATATALO
306
00:22:40,818 --> 00:22:42,445
SHINPACHI NAGAKURA
307
00:22:43,571 --> 00:22:45,073
DR. KANO IENAGA
308
00:22:45,156 --> 00:22:46,783
TOSHIYUKI KADOKURA
309
00:22:46,866 --> 00:22:48,117
KIRAWUS
310
00:22:48,201 --> 00:22:49,285
TAKUBOKU ISHIKAWA
311
00:22:49,368 --> 00:22:50,495
KANTAROU OKUYAMA
312
00:22:50,578 --> 00:22:52,246
{\an8}ANJI TONI - ANG BULAG NA NAMAMARIL
313
00:22:53,372 --> 00:22:54,665
TOSHIZOU HIJIKATA
314
00:22:55,374 --> 00:22:57,376
SUPERYOR NA PRAYBAYT HYAKUNOSUKE OGATA
315
00:22:58,377 --> 00:23:00,004
{\an8}SOFIA ANG MAY GININTUANG KAMAY
316
00:23:00,088 --> 00:23:01,714
{\an8}HEITA MATSUDA
317
00:23:01,798 --> 00:23:03,633
{\an8}JACK ANG NANGANGATAY KEIJI UEJI
318
00:23:03,716 --> 00:23:05,134
{\an8}WAICHIROU SEKIYA
319
00:23:05,218 --> 00:23:07,428
BOUTAROU ANG PIRATA
320
00:23:09,263 --> 00:23:10,890
WILK
321
00:23:13,851 --> 00:23:15,853
VASILY PAVLICHENKO
322
00:23:16,437 --> 00:23:18,022
CIKAPASI - ENONOKA - RYU
323
00:23:18,106 --> 00:23:19,774
YOSHITAKE SHIRAISHI
324
00:23:19,857 --> 00:23:21,484
INKARMAT
325
00:23:23,778 --> 00:23:25,530
GENJIROU TANIGAKI
326
00:23:27,824 --> 00:23:28,866
ASIRPA
327
00:23:28,950 --> 00:23:30,034
SAICHI SUGIMOTO
328
00:23:30,118 --> 00:23:31,452
HOKKAIDO KONJIN INQUIRER
329
00:23:36,290 --> 00:23:39,210
Susunod na bahagi:
"A Sweet Lie."