1
00:00:15,099 --> 00:00:17,893
Isa akong Matagi.
Ako si Tanigaki ang Matagi.
2
00:00:17,977 --> 00:00:19,979
Ano bang pinagsasasabi mo?
3
00:00:21,981 --> 00:00:23,149
Aalis na ako.
4
00:00:26,026 --> 00:00:28,779
Wala na sa Abashiri si Inkarmat.
5
00:00:29,280 --> 00:00:30,573
Inilipat siya sa kung saang lugar.
6
00:00:31,949 --> 00:00:34,285
{\an8}Sinasabi mo bang papatayin mo siya
kapag umalis ako?
7
00:00:34,368 --> 00:00:37,079
Ah, hindi. Hindi naman.
8
00:00:37,163 --> 00:00:40,291
Hindi mo naman siguro ako itutulak gumawa
ng isang kakila-kilabot na bagay.
9
00:00:40,791 --> 00:00:43,002
Hindi ba, Genjirou Tanigaki?
10
00:00:43,961 --> 00:00:48,382
Hindi ako bagay sa paghahanap ng ginto
o pagpapatalsik ng pamahalaan.
11
00:00:49,175 --> 00:00:51,927
{\an8}Gusto ko lang mamuhay ng simple.
12
00:00:52,428 --> 00:00:55,389
Mali ba na naisin kong mamuhay
bilang isa sa mga tao?
13
00:00:55,973 --> 00:00:58,768
Walang kaalam-alam ang mga tao
14
00:00:58,851 --> 00:01:01,687
tungkol sa mga nagbuwis ng buhay nila
at walang napala mula roon.
15
00:01:01,771 --> 00:01:03,773
Pero alam mo.
16
00:01:03,856 --> 00:01:05,900
Magagawa mo bang magbulag-bulagan?
17
00:01:06,400 --> 00:01:09,862
Wala akong silbi sa inyo
kahit na gawin ninyo siyang bihag.
18
00:01:10,488 --> 00:01:12,948
{\an8}Pabababain ko lang ang sigla ng mga tao.
19
00:01:13,032 --> 00:01:15,159
{\an8}Tiyak kong naiisip mo na
20
00:01:15,242 --> 00:01:20,206
{\an8}tatakas siyang mag-isa
oras na gumaling siya,
21
00:01:20,790 --> 00:01:22,833
pero hindi na magiging madali iyon ngayon.
22
00:01:22,917 --> 00:01:24,919
Ano'ng ginawa mo kay Inkarmat?
23
00:01:25,878 --> 00:01:29,465
Ipinagbubuntis niya ang anak mo.
24
00:01:35,763 --> 00:01:36,931
Anak ko?
25
00:01:39,809 --> 00:01:41,936
Kung ibabalik mo si Asirpa,
26
00:01:42,019 --> 00:01:45,606
nangangako akong
pakakawalan ko kayo ni Inkarmat.
27
00:01:45,689 --> 00:01:51,570
Dadalhin mo dapat
si Asirpa sa lola niya, hindi ba?
28
00:01:52,446 --> 00:01:53,697
Tanigaki.
29
00:01:56,325 --> 00:02:01,330
{\an8}Alam kong hindi mo papatirin
ang mga depensa ni Saichi Sugimoto.
30
00:02:04,667 --> 00:02:09,338
{\an8}EPISODE 45 - COMPLICITY
31
00:02:13,968 --> 00:02:15,761
Bale ang kanjing ito ay ro?
32
00:02:15,845 --> 00:02:17,763
Oo, iyan ay ro.
33
00:02:18,389 --> 00:02:20,891
{\an8}Ito naman ay puwedeng shi o sa.
34
00:02:23,477 --> 00:02:27,606
Sino'ng mag-aakala na si Master Heita pala
ay isang preso?
35
00:02:28,399 --> 00:02:31,777
Pero ngayong
may bagong balat na may tattoo,
36
00:02:32,278 --> 00:02:34,238
nasa tamang landas uli tayo.
37
00:02:34,822 --> 00:02:38,117
Mas malaking tumpok ng ginto
ang habol natin, nakalimutan mo na ba?
38
00:02:38,701 --> 00:02:39,743
Tama.
39
00:02:40,244 --> 00:02:41,787
At kapag nakita natin iyon,
40
00:02:41,871 --> 00:02:46,876
baka malaman pa natin kung sino'ng pumatay
sa Ainu at nagnakaw ng mga ginto nila.
41
00:02:46,959 --> 00:02:48,919
Grabe, muntik na iyon.
42
00:02:49,003 --> 00:02:51,547
Muntik na tayong madiskaril
dahil sa haku na iyan.
43
00:02:52,089 --> 00:02:55,384
Hindi ito panahon para maghukay
para sa placer platinum.
44
00:02:55,467 --> 00:02:57,720
Oo, pasulong at pataas lang.
45
00:02:58,304 --> 00:02:59,930
Lalagyan ng tabako ni Heita.
46
00:03:00,014 --> 00:03:03,017
Bihira kang makakakita
ng mga osong inuukit sa mga ito.
47
00:03:03,601 --> 00:03:06,228
Sabi nila ay pwede kang sapian nito
at gagawa ng kung ano-anong gulo.
48
00:03:07,771 --> 00:03:09,481
May kabigatan ito.
49
00:03:10,816 --> 00:03:11,817
Placer platinum?
50
00:03:11,901 --> 00:03:14,695
-Bigay mo rito!
-Akin iyan!
51
00:03:18,532 --> 00:03:20,242
Tingnan mo ito.
52
00:03:20,326 --> 00:03:24,955
Mukhang may kinuha siyang sampol ng ginto
sa bawat ilog na pinuntahan niya.
53
00:03:25,748 --> 00:03:28,918
Sabi nila ay may mukha ang ginto.
54
00:03:29,001 --> 00:03:32,171
Bawat mukha ay may iba-ibang katangian
batay sa pinanggalingan nito.
55
00:03:32,922 --> 00:03:35,549
Ang isang magaling na minero ng ginto
ay matitingnan ang mukha
56
00:03:35,633 --> 00:03:38,510
at masasabi
kung saan mismong ilog iyon galing.
57
00:03:39,511 --> 00:03:44,892
Tinipon ng Ainu ang lahat ng ginto
at itinago kung saan noon pa, tama?
58
00:03:44,975 --> 00:03:47,895
Akala nila ay magdadala ng malas
ang tagong yaman,
59
00:03:47,978 --> 00:03:50,397
kaya pinanatili nilang tago iyon sa lahat.
60
00:03:50,481 --> 00:03:53,692
May iilang may edad lamang
ang nakakaalala kung nasaan iyon.
61
00:03:54,401 --> 00:03:58,405
Sila ang pitong napatay
sa insidente kay Nopperabou.
62
00:03:58,489 --> 00:04:01,909
Pero hindi ibig sabihin noon
ay may iba sa dako pa roon
63
00:04:01,992 --> 00:04:04,495
na alam din kung nasaan ang ginto.
64
00:04:04,995 --> 00:04:08,207
At iyon ang dahilan kung bakit umalis
si Nopperabou at itinago ang yaman, tama?
65
00:04:08,290 --> 00:04:10,417
Oo, pero mag-isa niyang ginawa iyon.
66
00:04:11,001 --> 00:04:14,254
Hindi madali para sa isang tao na ilipat
mag-isa ang lahat ng gintong iyon,
67
00:04:14,338 --> 00:04:18,092
kaya tingin ko
ay sa malapit lang niya iyon nadala.
68
00:04:18,175 --> 00:04:23,097
Ngayon, paano mo hahanapin ang Ainu
na talagang alam kung nasaan iyon noon pa?
69
00:04:23,806 --> 00:04:28,102
Baka nakatira pa sila malapit sa mga ilog
kung saan nila namina ang ginto.
70
00:04:28,185 --> 00:04:30,980
Kaya kung matutukoy mo ang ginto,
71
00:04:31,063 --> 00:04:34,024
malalaman mo kung saang ilog ito galing.
72
00:04:34,108 --> 00:04:35,359
Ano?
73
00:04:35,442 --> 00:04:38,988
Paano mo magagawang matukoy ang ginto
kung nakatago iyon sa kung saan?
74
00:04:40,030 --> 00:04:43,993
Nakalimutan mo na ba?
Kumuha ng ginto si Nopperabou at tumakas,
75
00:04:44,576 --> 00:04:47,496
pero tumaob ang bangka niya,
at lumubog ang ginto kasama nito.
76
00:04:48,497 --> 00:04:49,498
Lawa ng Shikotsu?
77
00:04:50,082 --> 00:04:52,334
Sinasabi mo bang doon tayo dapat maghanap?
78
00:04:52,418 --> 00:04:55,254
Hindi na natin dapat hanapin
ang mga balat na may tattoo
79
00:04:55,337 --> 00:04:57,464
at maghanap na lang
ng ibinaong kayamanan doon?
80
00:04:57,548 --> 00:05:00,718
Hindi iyon uubra.
81
00:05:00,801 --> 00:05:03,220
Ang Lawa ng Shikotsu
ang pinakamalalim na lawa sa Hokkaido.
82
00:05:03,804 --> 00:05:06,765
Imposibleng sumisid hanggang ilalim
para hanapin ang kayamanan.
83
00:05:06,849 --> 00:05:08,183
Hindi imposible iyon.
84
00:05:08,684 --> 00:05:10,436
{\an8}LAWA NG SHIKOTSU, ANG PIRATA
85
00:05:10,978 --> 00:05:12,438
Tingnan mo ito.
86
00:05:12,521 --> 00:05:13,981
Nakita na agad nila?
87
00:05:14,565 --> 00:05:17,234
Sino iyong "pirata"?
88
00:05:18,736 --> 00:05:20,904
{\an8}Isa sa mga pugante ng Abashiri.
89
00:05:20,988 --> 00:05:24,491
{\an8}At medyo malakas at matapang siya.
90
00:05:24,908 --> 00:05:28,245
{\an8}ISANG TAON NA NAKALIPAS, LAWA NG SHIKOTSU
91
00:05:28,829 --> 00:05:32,875
Dapat hintayin mo hanggang medyo uminit.
Mamamatay ka, alam mo ba?
92
00:05:33,459 --> 00:05:35,294
Kung gayon ay mauunahan lang ako ng iba.
93
00:05:35,878 --> 00:05:39,089
Kahit maninisid
ay hindi aabot sa ilalim nito.
94
00:05:39,173 --> 00:05:41,341
Hindi ko hinihingi ang opinyon mo.
95
00:05:41,425 --> 00:05:43,844
Malaya kang makakaalis
oras na matukoy mo ang ginto.
96
00:05:44,511 --> 00:05:47,598
Pero bantayan mo ang hibachi.
Papatayin kita kapag namatay ito.
97
00:05:48,682 --> 00:05:51,435
Hindi mo na kailangang ipaliwanag sa akin,
G. Palautos na Mama.
98
00:05:51,935 --> 00:05:54,938
Itaas mo ang lubid
kung higit 35 minuto na akong wala.
99
00:05:55,439 --> 00:05:57,608
-Kuha mo?
-Tatlumpu't limang minuto?
100
00:06:01,278 --> 00:06:03,906
Kaya kong manatili
sa ilalim ng tubig ng 30 minuto.
101
00:06:16,710 --> 00:06:20,297
Ang paa ni Boutarou ang Pirata
ay buong 36 sentimetro,
102
00:06:20,881 --> 00:06:25,803
at mayroon siyang kakaibang webbing
sa pagitan ng mga daliri niya.
103
00:06:26,637 --> 00:06:30,891
Nagtrabaho siya bilang mamamangka
ng troso noong bata pa siya.
104
00:06:31,391 --> 00:06:33,602
Nilinang niya ang kaalaman niya sa tubig,
105
00:06:33,685 --> 00:06:37,397
pero isang araw
ay nagsasama na siya ng mga tao,
106
00:06:37,481 --> 00:06:39,650
nilulunod sila
at ninanakaw ang mahahalagang gamit nila.
107
00:06:40,234 --> 00:06:43,237
At sa gayon, nakilala siya
bilang Pirata ng Piitan
108
00:06:43,320 --> 00:06:46,323
at bilang Boutarou ang Pirata.
109
00:06:51,036 --> 00:06:54,706
Mukhang natukoy na
ni Master Heita ang ginto.
110
00:06:55,290 --> 00:06:58,210
Ganoon pala. Bale kung pupunta tayo
sa mga ilog na iyon,
111
00:06:58,877 --> 00:07:01,255
mahuhuli natin ang Pirata.
112
00:07:07,344 --> 00:07:09,555
Naman, baboy!
113
00:07:10,764 --> 00:07:12,432
Ayos! Combo ng baboy-usa-paru-paro!
114
00:07:12,516 --> 00:07:15,853
Panalo uli ako! Ang malas mo, Kadokura!
115
00:07:19,857 --> 00:07:21,275
Tiningnan mo ang ilalim!
116
00:07:22,860 --> 00:07:24,153
Hindi kaya.
117
00:07:24,236 --> 00:07:26,280
Itong maninilip ng puwit…
118
00:07:27,489 --> 00:07:29,366
ay sinisilip din ang puwit natin.
119
00:07:29,449 --> 00:07:30,784
Tumahimik ka nga, tanga!
120
00:07:31,535 --> 00:07:32,619
Bitawan mo ako!
121
00:07:32,703 --> 00:07:33,954
Maninilip ng puwit!
122
00:07:34,037 --> 00:07:36,832
Nakahilata lang maghapon
itong dalawang ito.
123
00:07:38,208 --> 00:07:40,752
May naligaw na Ogata sa paligid natin.
124
00:07:41,336 --> 00:07:45,257
Ano bang ginagawa mo mula nang
nakalaya ka sa Piitan ng Abashiri?
125
00:07:46,425 --> 00:07:47,759
Karafuto?
126
00:07:48,343 --> 00:07:50,846
May dalawa akong regalo mula sa Karafuto.
127
00:07:51,388 --> 00:07:55,267
Ang una ay impormasyon ukol sa babaeng
si Sofia Ang May Ginintuang Kamay.
128
00:07:56,143 --> 00:07:59,104
Dati siyang kaibigan
nina Wilk at Kiroranke,
129
00:07:59,188 --> 00:08:01,231
at siya ang pinuno
ng isang grupo ng mga kapanig.
130
00:08:02,024 --> 00:08:05,485
Walang dudang pupunta siya sa Japan
para makuha si Asirpa.
131
00:08:06,236 --> 00:08:10,199
Isa siya sa makakalaban natin
bukod pa kay Tsurumi.
132
00:08:11,200 --> 00:08:12,576
At para naman sa ikalawang regalo ko,
133
00:08:13,076 --> 00:08:17,706
mukhang nakuha na ni Asirpa
kung paano malaman ang code.
134
00:08:20,459 --> 00:08:23,545
Kailangang makita natin siya
sa lalong madaling panahon!
135
00:08:23,629 --> 00:08:25,505
Hinahabol nila tayo.
136
00:08:26,256 --> 00:08:30,677
Kailangan ding kunin
ng grupo ni Sugimoto ang mga tattoo.
137
00:08:31,511 --> 00:08:36,016
Sa ngayon, may dalawang grupo lang
na nagtitipon ng mga balat.
138
00:08:36,099 --> 00:08:39,353
Iyon ay sina Hijikata at Tsurumi.
139
00:08:59,539 --> 00:09:01,083
{\an8}SAPPORO
140
00:09:02,334 --> 00:09:04,461
Gusto mo ba ng masayang gabi, iho?
141
00:09:04,544 --> 00:09:06,588
Mukha ba akong may perang panggastos?
142
00:09:07,589 --> 00:09:09,549
Dito ka ba nanunuluyan?
143
00:09:10,884 --> 00:09:12,761
Tahimik ka lang? Gusto ko iyan.
144
00:09:12,844 --> 00:09:15,013
Tahimik lang din ang namayapa kong asawa.
145
00:09:17,307 --> 00:09:18,558
Hindi ka Hapones…
146
00:09:41,915 --> 00:09:43,625
Diyan lang kayo!
147
00:09:43,709 --> 00:09:45,419
Nilaslas ang lalamunan niya
148
00:09:45,502 --> 00:09:49,006
at isinabit sa kanang balikat niya
ang lamang-loob niya?
149
00:09:49,089 --> 00:09:52,092
Parang katulad ng kaso ng puta
na pinatay sa iskwater
150
00:09:52,175 --> 00:09:55,304
noong ika-31 ng isang buwan, hindi ba?
151
00:09:55,387 --> 00:09:57,597
Parehong tao ba, Inspektor?
152
00:09:57,681 --> 00:09:58,932
Posible.
153
00:09:59,016 --> 00:10:00,642
May mga saksi ba?
154
00:10:00,726 --> 00:10:03,061
May naisip ka bang posibleng suspek?
155
00:10:03,145 --> 00:10:06,106
Sige na. Ibibili kita ng pagkain
kapag may sinabi ka.
156
00:10:06,857 --> 00:10:11,069
Ang kilalang makatang Takuboku Ishikawa,
tanyag sa pagsulat ng A Handful of Sand,
157
00:10:11,153 --> 00:10:12,571
ay naglakbay sa kahabaan ng Hokkaido
158
00:10:12,654 --> 00:10:15,907
bilang umiikot na mamamahayag
para sa ilang mga pahayagan.
159
00:10:16,742 --> 00:10:21,830
Nagkakagulo sa Sapporo dahil sa isang kaso
ng mga sunud-sunod na pagpatay.
160
00:10:21,913 --> 00:10:26,084
Medyo nabighani rin ako roon.
161
00:10:26,168 --> 00:10:28,712
Ang taas ng benta ng mga pahayagan!
162
00:10:31,256 --> 00:10:33,300
Kailangan ko ng kaunting pera,
G. Nagakura.
163
00:10:33,383 --> 00:10:36,636
Magdala ka ng hindi pa
nababalita sa diyaryo, sira ulo ka.
164
00:10:37,220 --> 00:10:39,056
Ang pangit na paraan para mamatay.
165
00:10:39,139 --> 00:10:41,266
May galit kaya siya sa mga puta?
166
00:10:41,350 --> 00:10:42,517
Hindi katanggap-tanggap iyon.
167
00:10:43,018 --> 00:10:45,395
Sana ay agad siyang madakip.
168
00:10:45,479 --> 00:10:49,441
Mayroon akong babaeng gusto,
at sayang naman kung papatayin niya.
169
00:10:49,524 --> 00:10:52,569
Sana ay mabali ang likod mo
at mamatay ka sa kanal.
170
00:10:53,153 --> 00:10:54,154
Kadokura.
171
00:10:54,696 --> 00:10:58,075
May kilala ka ba sa mga presong may tattoo
na maaaring may kinalaman dito?
172
00:10:59,326 --> 00:11:01,161
Oo, mayroon.
173
00:11:01,244 --> 00:11:05,499
May lalaki sa Yokohama na sinaksak
ang puta ng ilang ulit gamit ang kutsilyo
174
00:11:05,582 --> 00:11:07,584
at naipakulong sa Abashiri.
175
00:11:08,168 --> 00:11:11,213
Kung ang pumatay ay isa
sa mga preso nating may tattoo,
176
00:11:11,296 --> 00:11:15,384
magiging malaking problema ang gulong ito.
177
00:11:16,134 --> 00:11:19,554
Aabangan siya ng mga pulis.
178
00:11:21,264 --> 00:11:24,935
{\an8}At ang mga nasa Ikapitong Dibisyon
ay tatakbo palapit
179
00:11:25,018 --> 00:11:27,729
{\an8}oras na mabalitaan nila ito.
180
00:11:31,191 --> 00:11:33,151
Hoy!
181
00:11:33,235 --> 00:11:35,529
Sino'ng pumatay sa kabayo ko?
182
00:11:39,116 --> 00:11:40,951
BAHAY NG OOURA
183
00:11:43,537 --> 00:11:46,039
Ang kaso ng Mamamatay-tao sa Sapporo…
184
00:11:46,706 --> 00:11:49,626
Mukhang preso na may tattoo ito.
185
00:11:49,709 --> 00:11:51,086
Opisyal ng Warrant Kikuta.
186
00:11:51,670 --> 00:11:53,672
Pupunta ka sa Sapporo.
187
00:11:53,755 --> 00:11:57,384
Mananatili ako rito
at patuloy na hahanapin si Asirpa.
188
00:11:57,467 --> 00:11:58,468
Sige.
189
00:11:59,010 --> 00:12:01,263
At isama mo si Superyor na Praybayt Usami.
190
00:12:02,013 --> 00:12:03,014
Sige.
191
00:12:03,890 --> 00:12:07,352
Mas gusto ko sanang huwag sumama
kay Opisyal ng Warrant Kikuta.
192
00:12:08,353 --> 00:12:09,938
Pareho tayo ng iniisip.
193
00:12:10,021 --> 00:12:13,567
Tiyak kong malaki ang silbi ni Usami
sa Sapporo.
194
00:12:22,325 --> 00:12:25,454
{\an8}SHIBATA,
NIIGATA PREFECTURE, 1895
195
00:12:25,537 --> 00:12:29,499
O, Tokushirou,
kumusta ang lugar ng labanan?
196
00:12:30,083 --> 00:12:33,879
May natuklasan akong nakakatuwa, Master.
197
00:12:33,962 --> 00:12:35,672
At ano naman iyon?
198
00:12:35,755 --> 00:12:39,468
Dapat ay sinanay nang mabuti
ang lahat ng sundalo,
199
00:12:40,010 --> 00:12:41,970
pero noong nasa labanan na sila,
200
00:12:42,053 --> 00:12:44,306
walang nagpaputok ng baril nila,
kunwari lang silang nagpaputok.
201
00:12:45,056 --> 00:12:49,686
Dinig ko ay ganoon din ang nangyari
sa Digmaang Sibil sa Amerika.
202
00:12:50,353 --> 00:12:53,773
Pinaputok man nila ang sandata,
pero tiyak na hindi sila nakatutok.
203
00:12:54,441 --> 00:12:58,195
Ang karamihan sa mga sundalo
ay talagang tutol sa pagpatay
204
00:12:58,278 --> 00:13:00,238
at ginagawa ang lahat para panindigan ito.
205
00:13:01,448 --> 00:13:02,616
Tokushirou!
206
00:13:02,699 --> 00:13:04,367
Nakabalik ka na!
207
00:13:04,451 --> 00:13:07,037
Oy! Ang tagal na rin!
208
00:13:07,120 --> 00:13:10,332
Lumaki ka uli, hindi ba, Tokishige?
209
00:13:10,415 --> 00:13:11,708
TOKISHIGE USAMI, 14 NA TAONG GULANG
210
00:13:11,791 --> 00:13:12,918
Gayon nga!
211
00:13:13,710 --> 00:13:16,046
Mukhang hindi ka nagpunta rito
para magsanay.
212
00:13:16,671 --> 00:13:20,550
Ang totoo ay may gagawin ako sa bahay,
pero napadpad ako rito.
213
00:13:20,634 --> 00:13:23,553
Hindi ba dalawang oras na lakad
ang layo nito mula sa bahay mo?
214
00:13:24,137 --> 00:13:27,474
Napapadpad ako rito
kahit sa mga araw na walang pagsasanay.
215
00:13:27,557 --> 00:13:31,520
Parang karaniwang dati pang sulok
lamang ito ng dojo…
216
00:13:33,939 --> 00:13:36,149
pero sagradong lugar ito para sa atin.
217
00:13:38,902 --> 00:13:39,945
{\an8}DALAWANG TAON NA ANG NAKAKARAAN
218
00:13:40,028 --> 00:13:44,658
{\an8}Tokishige, nagsisikap ka pa rin ba
ng mabuti sa dojo?
219
00:13:44,741 --> 00:13:46,076
Gayon nga po.
220
00:13:46,159 --> 00:13:50,539
Sabi ni Tokushirou ay ako ang
pinakamagaling na batang nakita na niya.
221
00:13:50,622 --> 00:13:52,541
Tokushirou Tsurumi?
222
00:13:55,335 --> 00:13:56,586
Sino iyon?
223
00:13:56,670 --> 00:14:00,882
Siya ang magarang opisyal
na nagpupunta sa dojo ni Tokishige!
224
00:14:10,267 --> 00:14:12,060
Aba, iyan ang mabigat na trabaho.
225
00:14:12,561 --> 00:14:14,896
Salamat, Tokishige.
226
00:14:14,980 --> 00:14:17,732
Tiyak na bibigyan ako nito
ng malalakas na binti.
227
00:14:17,816 --> 00:14:20,402
Mababang lugar ito,
228
00:14:20,485 --> 00:14:25,699
kapag gumagamit kami ng de-paa
na water wheel para patuyuin ang bukirin.
229
00:14:25,782 --> 00:14:26,950
Ang gara…
230
00:14:27,033 --> 00:14:28,201
Tokishige!
231
00:14:30,370 --> 00:14:32,330
Sandali lang, Tokushirou.
232
00:14:32,914 --> 00:14:34,833
Oy, Tomoharu.
233
00:14:34,916 --> 00:14:37,711
-Kumusta ang tatay mo?
-Ayos naman po.
234
00:14:41,548 --> 00:14:42,716
Naman, Tokishige.
235
00:14:43,300 --> 00:14:44,718
Gawin na natin ito!
236
00:14:44,801 --> 00:14:49,347
Matulog ka sa lugar ko matapos magsanay.
Puwede tayong sabay pumasok bukas.
237
00:14:49,931 --> 00:14:52,601
Mukhang babalik si Tokushirou
sa dojo ngayon.
238
00:14:54,102 --> 00:14:55,186
Halika na! Tara na!
239
00:15:00,233 --> 00:15:02,110
Gawin natin ito, Tokushirou!
240
00:15:02,193 --> 00:15:04,112
Gawin natin ang randori!
241
00:15:10,076 --> 00:15:12,704
Magtatapos ka na pala ngayong taon.
242
00:15:12,787 --> 00:15:14,623
Pupunta ka pa rin ba sa dojo?
243
00:15:14,706 --> 00:15:17,876
Kailangan kong tulungan si Itay sa bukid,
244
00:15:18,585 --> 00:15:19,711
kaya hindi ako sigurado.
245
00:15:20,420 --> 00:15:23,757
Talagang magiging mas malakas ka.
246
00:15:23,840 --> 00:15:25,258
Dapat kang magpatuloy.
247
00:15:25,342 --> 00:15:27,927
Madali mong matatalo
ang bawat isang tao sa antas mo.
248
00:15:28,011 --> 00:15:29,971
Hindi magtatagal ay matatalo mo rin ako.
249
00:15:30,597 --> 00:15:34,476
Hindi na ako
masyadong makakadalaw sa dojo.
250
00:15:35,602 --> 00:15:36,686
Talaga?
251
00:15:37,270 --> 00:15:40,899
May mga problemang lumitaw sa lugar
na ang tawag ay Peninsula ng Korea.
252
00:15:43,485 --> 00:15:44,653
Tokishige!
253
00:15:45,570 --> 00:15:46,946
Sabay tayong maglakad pauwi!
254
00:15:48,615 --> 00:15:49,949
Tama na!
255
00:15:51,868 --> 00:15:53,495
Iyan na ang leksyon para ngayong araw.
256
00:15:54,454 --> 00:15:57,248
Salamat po, ginoo.
257
00:16:02,837 --> 00:16:04,673
Kaunti na lang!
258
00:16:04,756 --> 00:16:05,757
Isa pa!
259
00:16:05,840 --> 00:16:07,425
Ano'ng nakain mo?
260
00:16:07,509 --> 00:16:09,260
Tapos na ako para sa ngayong araw.
261
00:16:09,344 --> 00:16:12,097
Sige na! Kaunti na lang!
262
00:16:12,180 --> 00:16:14,808
Iyon nga, kailangan ko nang umuwi…
263
00:16:20,772 --> 00:16:23,608
Ano'ng problema, Tomoharu?
264
00:16:23,692 --> 00:16:25,735
Kailangan na nating isara ang dojo
265
00:16:25,819 --> 00:16:28,697
para makauwi kami ni Master Takeda.
266
00:16:29,280 --> 00:16:32,409
Ni hindi ko man lang siya natalo
kahit isang beses.
267
00:16:33,326 --> 00:16:38,081
Ito na ang huling punta ko sa dojo.
268
00:16:41,418 --> 00:16:42,419
Tokishige!
269
00:16:43,420 --> 00:16:46,965
Pupunta ako sa Tokyo
pagkaraan ng pagtatapos ko.
270
00:16:47,465 --> 00:16:50,051
Lilipat ako sa dormitoryo.
271
00:16:50,635 --> 00:16:55,014
Kaya ngayon ang huling araw na magagawa ko
ang randori kasama mo!
272
00:16:55,598 --> 00:16:58,393
Hindi niya magawang sabihin sa iyo mismo.
273
00:16:58,977 --> 00:17:00,270
Alam ko na.
274
00:17:02,063 --> 00:17:04,190
O sige. Gusto mo pang umulit?
275
00:17:04,691 --> 00:17:06,860
At gusto mo akong matalo bago ka umalis?
276
00:17:06,943 --> 00:17:08,528
Mas mabuti sigurong huwag na lang.
277
00:17:09,112 --> 00:17:11,489
Ayokong matalo
para lang huwag kang masaktan.
278
00:17:11,573 --> 00:17:13,241
Siyempre hindi!
279
00:17:13,324 --> 00:17:16,703
Ano'ng klaseng kaibigan
ang gagawa ng ganiyan!
280
00:17:16,786 --> 00:17:17,787
Magiging katapusan natin iyan!
281
00:17:21,374 --> 00:17:25,503
Isinara na ni Master Takeda ang dojo
at umuwi na.
282
00:17:26,087 --> 00:17:29,424
Dito kayong dalawa sa labas maglaban.
283
00:17:29,507 --> 00:17:31,384
Babantayan ko kayo.
284
00:17:32,969 --> 00:17:34,095
Simulan na!
285
00:17:41,770 --> 00:17:43,438
Kung matatalo ko si Tokishige,
286
00:17:44,063 --> 00:17:46,691
makakaya kong mabuhay mag-isa sa Tokyo.
287
00:17:56,868 --> 00:17:57,911
Kaya ko pa!
288
00:18:10,799 --> 00:18:12,217
Tama na!
289
00:18:18,848 --> 00:18:20,266
Tumawag ka ng doktor!
290
00:18:20,350 --> 00:18:22,852
Sinabi ko nang ayokong gawin iyon.
291
00:18:23,353 --> 00:18:28,608
Pero ginawa ko iyon dahil sinabi mo
sa aming dito sa labas maglaban.
292
00:18:29,192 --> 00:18:32,695
Kung alam ko lang
na gagawin mo ito sa kaibigan mo…
293
00:18:34,072 --> 00:18:35,156
Kaibigan?
294
00:18:35,949 --> 00:18:39,661
Lagi namang sagabal iyang hayop na iyan
sa oras natin, Tokushirou.
295
00:18:40,286 --> 00:18:41,663
At sa tatay niya.
296
00:18:41,746 --> 00:18:47,377
Inasikaso mo siya kasi malaking pangalan
ang tatay niya sa Ikalawang Dibisyon.
297
00:18:47,460 --> 00:18:48,586
Siya!
298
00:18:49,170 --> 00:18:53,716
Pupunta siya sa paaralan ng militar
sa Tokyo para maging opisyal,
299
00:18:53,800 --> 00:18:56,678
ibig sabihin ay magiging
mas malapit pa siya sa iyo.
300
00:18:56,761 --> 00:18:57,929
Siya!
301
00:18:58,513 --> 00:19:03,059
Ni hindi siya makapagsabi at panay lang
ang pangmamata niya sa akin.
302
00:19:03,142 --> 00:19:04,269
Siya!
303
00:19:04,894 --> 00:19:08,398
Pero ngayong nakikipag-usap ka sa kaniya,
304
00:19:08,481 --> 00:19:11,234
narinig ko ang lahat!
305
00:19:11,317 --> 00:19:12,735
Oo, oo, oo!
306
00:19:15,321 --> 00:19:18,992
Hindi mo pa rin sinasabi
sa kaniyang papunta ka sa Tokyo?
307
00:19:19,576 --> 00:19:23,329
Pagdating sa lakas ng damdamin,
mas magaling ka kay Tokishige.
308
00:19:23,413 --> 00:19:25,206
Kumapit ka sa mga damdaming iyon,
309
00:19:25,290 --> 00:19:29,377
at tiyak kong magiging
mas malakas ka pa sa kaniya.
310
00:19:29,961 --> 00:19:31,212
Talaga?
311
00:19:34,299 --> 00:19:36,843
Iyon lang ang mayroon ako!
312
00:19:37,468 --> 00:19:39,804
Sabi ninyo ako ang nangunguna!
313
00:19:39,888 --> 00:19:42,348
Nakita mo kung sino ako!
314
00:19:42,432 --> 00:19:44,934
Napakahalaga noon sa akin!
315
00:19:48,855 --> 00:19:50,565
Paumanhin.
316
00:19:50,648 --> 00:19:52,817
Akala ko ay susuko na siya at uuwi na
317
00:19:52,901 --> 00:19:56,070
kung sasabihin ko iyon sa kaniya.
318
00:19:56,696 --> 00:19:59,490
O? Iyon lang ba?
319
00:19:59,991 --> 00:20:01,034
Salamat naman!
320
00:20:03,119 --> 00:20:05,580
Siguro ay patay na siya.
321
00:20:07,540 --> 00:20:09,876
Siguro ay kapwa tayo
nagkasala sa pakikipagsabwatan.
322
00:20:17,634 --> 00:20:21,095
Sasabihin ko sa iyo ang palusot natin,
kaya dapat tandaan mo ito.
323
00:20:27,226 --> 00:20:31,105
Pagkatapos noon,
tiniyak naming pareho ang kuwento namin
324
00:20:31,189 --> 00:20:36,527
at sinabing sinipa ng kabayo ni Tokushirou
si Tomoharu.
325
00:20:37,445 --> 00:20:40,698
Nang narinig ng tatay niya ang balita,
326
00:20:40,782 --> 00:20:43,785
tumakbo siya at binaril ang kabayo
sa sobrang galit.
327
00:20:45,286 --> 00:20:49,874
Dito ako unang nakapatay ng tao.
328
00:20:51,084 --> 00:20:53,628
Kung saan nawala ang pagkabirhen ko.
329
00:20:55,171 --> 00:21:00,176
Nagpunta ako sa sagradong lugar na ito
para sariwain ang araw na iyon.
330
00:21:00,677 --> 00:21:03,763
Ang lihim sa pagitan namin ni Tokushirou.
331
00:21:05,390 --> 00:21:08,476
Pero narinig ko iyon
mula kay Master Takeda.
332
00:21:08,977 --> 00:21:12,939
Sabi niya ay galit sa iyo ang magulang
ng bata at bawal ka sa Ikalawang Dibisyon,
333
00:21:13,022 --> 00:21:16,943
dahil lang sinipa at napatay
ng kabayo mo ang batang iyon.
334
00:21:17,694 --> 00:21:21,781
Alam mong mangyayari iyon,
pero pinagtakpan mo pa rin ako.
335
00:21:21,864 --> 00:21:25,284
Iyon ang dahilan
kung bakit ako pinatapon sa Hokkaido.
336
00:21:26,035 --> 00:21:29,956
Pero ang mas mapalayo sa Central
337
00:21:30,039 --> 00:21:32,458
ay nangangahulugang
mas malaya akong makakagalaw.
338
00:21:33,042 --> 00:21:34,043
At…
339
00:21:35,086 --> 00:21:38,673
naisip kong sayang naman
340
00:21:38,756 --> 00:21:42,802
na makitang mawala nang ganoon lang
ang isang interesanteng bata.
341
00:21:43,845 --> 00:21:46,639
Hihintayin kita sa Ikapitong Dibisyon.
342
00:21:49,517 --> 00:21:54,647
Paano mo napapagawa sa mga sundalo
na tigilan ang kunwaring pagpapaputok
343
00:21:54,731 --> 00:21:57,275
at patirahin talaga sila sa kalaban?
344
00:21:57,984 --> 00:22:02,822
Minsan ay nasaksihan ko
na nagpaniwala sa akin na magagapi ng tao
345
00:22:02,905 --> 00:22:06,284
ang kanilang pagtutol sa pagpatay ng iba.
346
00:22:06,868 --> 00:22:09,996
Matagal kong iniisip ang insidenteng iyon.
347
00:22:10,580 --> 00:22:14,375
At sa tingin ko ay natagpuan ko ang sagot
noong Digmaang Sino-Japanese.
348
00:22:14,876 --> 00:22:19,255
Kung gusto mong palitawin
ang tapang ng mga sundalo mo,
349
00:22:19,338 --> 00:22:23,676
hindi mo kailangang magtanim sa kanila
ng takot o galit sa kalaban,
350
00:22:23,760 --> 00:22:26,304
ni gamitan sila ng paniniwala sa pulitika.
351
00:22:26,387 --> 00:22:27,597
Ano ang dapat mong gawin?
352
00:22:29,515 --> 00:22:31,309
Pag-ibig ang gamitin mo.
353
00:22:31,976 --> 00:22:36,731
Pero gayunpaman, nagdudulot
ang pag-ibig na makipaglaban sa sarili mo.
354
00:22:37,440 --> 00:22:40,109
Paano ka lilikha ng pagmamahal
sa mga tao mo
355
00:22:40,193 --> 00:22:43,988
para maging bukas silang gawin
ang kahit ano, kahit napakarumi man nito?
356
00:22:44,072 --> 00:22:47,408
{\an8}Ito ang tanong na kailangang
tanungin ng bawat komandante sa sarili.
357
00:22:47,992 --> 00:22:53,498
{\an8}Gayunman, may mga taong
ipinanganak na nakalaang maging kawal.
358
00:22:54,082 --> 00:22:57,376
Iyong mga agresibo at tapat,
359
00:22:57,460 --> 00:23:00,004
at hindi nalulungkot at walang pagsisisi.
360
00:23:00,088 --> 00:23:02,173
Mga kawal na kayang pumatay ng tao.
361
00:23:02,256 --> 00:23:07,136
Iyon ang mga kawal
na kailangan mo sa hanay mo.
362
00:23:08,304 --> 00:23:10,598
Ang mamamatay-taong ito
363
00:23:10,681 --> 00:23:12,683
{\an8}ay hindi talaga isang magnanakaw.
364
00:23:12,767 --> 00:23:16,646
{\an8}Para namang may pera o kung ano
ang mga puta na nasa iskwater.
365
00:23:16,729 --> 00:23:19,273
Pumapatay siya para lang makapatay.
366
00:23:19,774 --> 00:23:23,361
Alam ko lang na babalik siya
sa pinangyarihan ng krimen.
367
00:23:23,444 --> 00:23:26,697
Siya ang tipo ng sira ulong
babalik at babalik
368
00:23:26,781 --> 00:23:29,909
para magpantasya
at magsalsal sa pinatay niya.
369
00:23:31,119 --> 00:23:33,121
Alam ko ang tinutukoy mo.
370
00:23:36,165 --> 00:23:39,252
Susunod na bahagi: "A Perfect Mother."