1 00:00:01,877 --> 00:00:04,422 Nawala! Nawala na! Hindi ko makita kahit saan! 2 00:00:04,505 --> 00:00:06,465 Nawala na! 3 00:00:06,549 --> 00:00:08,050 Ano'ng problema, Nikaidou? 4 00:00:08,843 --> 00:00:11,679 Pagkagising ko ay wala na ang pekeng kamay ko! 5 00:00:14,181 --> 00:00:16,142 Baka may nagtago noon. 6 00:00:17,518 --> 00:00:19,145 Ang ingay kasi lagi. 7 00:00:20,020 --> 00:00:23,858 Isa akong manghuhula. Gagamit ba ako ng ueinkar para maghanap? 8 00:00:24,442 --> 00:00:26,360 Sige lang, Inkarmat. 9 00:00:31,490 --> 00:00:34,243 Malakas ang kutob ko na nasa tabi ito ni Koito nispa. 10 00:00:38,205 --> 00:00:39,206 Nasa iyo nga! 11 00:00:39,999 --> 00:00:42,585 Wow! Paano mo nalaman? 12 00:00:43,085 --> 00:00:44,086 Napaka-matalinhaga. 13 00:00:44,170 --> 00:00:46,213 Kahit ako kaya kong hulaan iyon. 14 00:00:46,839 --> 00:00:49,175 Nakakamangha si Inkarmat, Tsukishima. 15 00:00:50,843 --> 00:00:52,970 Nakukuha niya agad lahat. 16 00:00:53,053 --> 00:00:54,597 Kinikilabutan ako! 17 00:00:54,680 --> 00:00:56,432 Ano ba iyang nginunguya mo? 18 00:00:57,183 --> 00:00:59,018 Ugat ng ikema ito, binubugaw ang masasamang espiritu. 19 00:00:59,101 --> 00:01:00,811 Isang yen at 20 sen lang halaga nito. 20 00:01:01,395 --> 00:01:04,482 Hoy, puwede bang tigilan mo ang paniningil ng mahal sa kaniya? 21 00:01:05,232 --> 00:01:07,443 Hindi ka naniniwala sa kaniya? 22 00:01:08,027 --> 00:01:11,280 Bakit hindi mo subukan imbes na nagdududa ka? 23 00:01:12,782 --> 00:01:14,033 Ayos na ako, salamat na lang. 24 00:01:14,617 --> 00:01:17,536 Gusto mong ipakita ko, Tsukishima nispa? 25 00:01:18,078 --> 00:01:21,499 May bagay ka bang hindi mahanap? O bagay na gusto mong malaman? 26 00:01:26,879 --> 00:01:29,381 Huwag mong isiping makukumbinsi mo ako. 27 00:01:32,134 --> 00:01:36,388 Hindi makapunta rito si Tanigaki nispa dahil dapat siyang bumalik sa Hokkaido. 28 00:01:37,056 --> 00:01:39,058 Ibig sabihin ba nito ay bihag mo ako? 29 00:01:41,602 --> 00:01:44,146 Ayaw lumabas ng chopsticks ko! 30 00:01:44,230 --> 00:01:45,981 May naipit sa loob! 31 00:01:48,067 --> 00:01:49,401 Isa itong jelly cake. 32 00:03:20,701 --> 00:03:25,456 {\an8}EPISODE 46 - A PERFECT MOTHER 33 00:03:28,542 --> 00:03:33,213 Hindi ako ganoon kawalang-puso para paslangin si Saichi Sugimoto. 34 00:03:35,799 --> 00:03:40,220 Kunsabagay, kung hindi siya napatay noong nabaril siya sa ulo, ano pa kaya? 35 00:03:41,347 --> 00:03:44,808 Kahit kaya ko siyang patayin, hindi talaga makikinig si Asirpa. 36 00:03:45,684 --> 00:03:46,685 Hindi. 37 00:03:47,186 --> 00:03:51,607 At kahit ano'y gagawin ni Tinyente Tsurumi para makuha kay Asirpa ang impormasyon. 38 00:03:52,608 --> 00:03:55,861 Kung gayon ay sasaktan lang ng mga kilos ko si Asirpa. 39 00:03:57,446 --> 00:04:00,824 Kung babalik ang apo niya bilang anino ng dating sarili nito, 40 00:04:01,408 --> 00:04:03,410 iniisip ko lang kung gaano kasaya si Huci kapag nangyari iyon. 41 00:04:04,954 --> 00:04:07,206 Hanggang hindi natatapos ang paghahanap na ito sa ginto, 42 00:04:07,873 --> 00:04:11,001 puwede naman akong magkunwaring patuloy na hinahanap iyon. 43 00:04:11,752 --> 00:04:13,837 Pero sinong nakakaalam kung ilang taon ang aabutin n'on? 44 00:04:15,714 --> 00:04:19,843 Kung gayon ay hindi ko na makikita si Inkarmat o ang magiging anak ko. 45 00:04:21,428 --> 00:04:25,099 Sa huli, ang paghahanap ba kay Asirpa ang tanging magagawa ko? 46 00:04:29,103 --> 00:04:30,813 Siyam na buwan na ba ang lumipas? 47 00:04:30,896 --> 00:04:32,815 Isisilang na anumang oras ang bata. 48 00:04:33,691 --> 00:04:35,818 Kamangha-manghang kurba. 49 00:04:36,402 --> 00:04:39,363 Kahit kainin kita, hindi lolobo nang ganyan ang tiyan ko. 50 00:04:41,490 --> 00:04:45,411 Kapag tinitingnan kita, pinapaalala nito sa akin ang nanay kong buntis. 51 00:04:46,328 --> 00:04:49,373 Gusto kong maging katulad niya. 52 00:04:50,457 --> 00:04:54,253 Napakaperpekto niyang tingnan noong nagdadalantao siya. 53 00:04:54,837 --> 00:04:59,925 Inisip ko na magiging mas perpekto pa siya hawak ang sanggol, tulad ng Banal na Ina. 54 00:05:00,634 --> 00:05:04,388 Ngunit nadulas siya sa hagdan at nakunan. 55 00:05:06,974 --> 00:05:10,352 Gusto kitang tulungan sa panganganak kung hahayaan mo ako. 56 00:05:11,979 --> 00:05:13,689 Gusto ko iyon. 57 00:05:13,772 --> 00:05:15,983 Kung tutuusin ay iniligtas mo ang buhay ko. 58 00:05:16,066 --> 00:05:18,277 Pero maaari ko bang makuha ang inunan ng bata? 59 00:05:18,360 --> 00:05:20,362 Dinig ko ay napakasustansiya n'on! 60 00:05:20,446 --> 00:05:21,447 Okay. 61 00:05:43,510 --> 00:05:45,846 Sabi na at darating ka. 62 00:05:49,683 --> 00:05:52,227 Saan inilipat si Inkarmat? 63 00:05:52,728 --> 00:05:54,772 Kapag tinanong ko ang mga tao na nagtratrabaho sa ospital, 64 00:05:55,272 --> 00:05:58,108 baka malaman ito ni Tinyente Tsurumi. 65 00:05:59,151 --> 00:06:03,697 Baka magdala ako ng mas maraming panganib kay Inkarmat sa paghahanap ko sa kaniya. 66 00:06:04,239 --> 00:06:08,619 Napakamakasarili kong pilitin na isama siya sa pagtakas ko. 67 00:06:08,702 --> 00:06:09,703 TINDAHAN NI KAWANAKA 68 00:06:10,954 --> 00:06:12,289 Heto na ang isang malaswang lalaki. 69 00:06:14,917 --> 00:06:16,168 Ugat ng Ikema? 70 00:06:18,170 --> 00:06:21,006 Lumilibot sa buong ospital, 71 00:06:21,090 --> 00:06:25,844 na may matambok na puwit, malaking dibdib, at buhaghag na buhok na parang oso. 72 00:06:27,805 --> 00:06:29,139 Ikaw siguro si Tanigaki. 73 00:06:29,640 --> 00:06:33,185 Nasa ospital na iyan ang tatay ko, 74 00:06:33,268 --> 00:06:34,978 kaya lagi akong dumadalaw. 75 00:06:35,813 --> 00:06:38,148 Postcard ito mula kay Inkarmat. 76 00:06:38,232 --> 00:06:41,110 Sinabi niya sa aking ibigay ko ito sa malaswang oso. 77 00:06:43,487 --> 00:06:44,571 {\an8}Ang lugar na ito. 78 00:06:45,072 --> 00:06:46,990 {\an8}HOKKAIDO - DAUNGAN NG OTARU MALAWAK NA TANAWIN 79 00:06:47,825 --> 00:06:50,994 Bigo akong ibalik si Asirpa kay Huci. 80 00:06:51,870 --> 00:06:54,998 Wala na akong silbi ngayon. Ang tumakas lang ang nagagawa ko. 81 00:06:55,707 --> 00:06:59,419 Pero gayunpaman, gusto kong manatili sa tabi mo, kasama anak natin. 82 00:06:59,920 --> 00:07:01,130 Anupaman ang panganib na haharapin ko. 83 00:07:01,713 --> 00:07:05,968 Ipinadala ko ang postcard na iyon dahil gusto kong pumunta ka. 84 00:07:06,552 --> 00:07:07,719 Kaya handa na ako. 85 00:07:08,428 --> 00:07:10,472 Ang bantay mo, si Tsukishima, ay nagpunta sa mga paliguan. 86 00:07:11,223 --> 00:07:13,475 Matagal siyang maligo, kaya ihanda mo ang mga gamit mo. 87 00:07:21,900 --> 00:07:23,110 'Wag kang maingay! 88 00:07:26,280 --> 00:07:28,240 Tunog ng botang maingay ng militar. 89 00:07:32,995 --> 00:07:34,746 Galing ba sa ikalawang palapag? 90 00:08:14,745 --> 00:08:16,830 Kung narito ka, ang dating sa akin noon 91 00:08:16,914 --> 00:08:20,542 ay sinusuway mo ang mga utos ni Tinyente Tsurumi. 92 00:08:21,335 --> 00:08:24,546 Buweno, desisyon mo iyan, Praybayt ng Unang Klase Tanigaki. 93 00:08:25,964 --> 00:08:27,674 Inkarmat, lumayo ka! 94 00:08:28,300 --> 00:08:31,887 Kung sa tingin mo ay magdadala ito ng hustisya, patayin mo ako kung gayon. 95 00:08:35,974 --> 00:08:37,017 Takbo! 96 00:09:03,085 --> 00:09:05,170 Hindi siya makakagalaw sa loob ng dalawang oras. 97 00:09:05,712 --> 00:09:07,589 Lumayo kayo hanggang sa kaya ninyo. 98 00:09:10,092 --> 00:09:15,138 Iniisip mo kung bakit ka tutulungan ng isang makasarili't malupit na kriminal? 99 00:09:16,682 --> 00:09:20,435 Ito ay dahil si Inkarmat ay magiging perpekto. 100 00:09:21,311 --> 00:09:24,606 Tiyakin mong pasasalamatan mo ito Tanigaki. 101 00:09:26,066 --> 00:09:27,067 Ienaga. 102 00:09:28,568 --> 00:09:29,569 Halika na. 103 00:09:54,886 --> 00:09:56,013 Sige na. 104 00:10:05,230 --> 00:10:08,358 Bakit niya gagawin iyon? 105 00:10:08,984 --> 00:10:14,114 Siguro dahil madalas ko siyang hulaan, pinili niyang ibaling ang tingin niya. 106 00:10:14,698 --> 00:10:16,742 Hindi niya puwedeng gawin ang bagay na ganoon. 107 00:10:17,242 --> 00:10:18,827 Hindi ganoon ang Koito na kilala ko. 108 00:10:33,050 --> 00:10:35,802 Ayos ka lang ba? Inkarmat, giniginaw ka ba? 109 00:10:37,846 --> 00:10:39,723 Ano iyon? May masakit ba sa iyo? 110 00:10:40,599 --> 00:10:41,725 Yung pagkaldag. Ang kabayo. 111 00:10:42,309 --> 00:10:44,102 Paumanhin. Masyado tayong napabilis. 112 00:10:45,187 --> 00:10:46,980 Pero natakasan na natin ngayon ang siyudad. 113 00:10:48,065 --> 00:10:49,816 Isang abandonadong bahay! Magpahinga tayo roon. 114 00:10:53,570 --> 00:10:55,739 Maghintay ka rito, magpaparingas ako ng apoy. 115 00:10:57,282 --> 00:10:59,659 Tanigaki nispa, nagdurugo ang ulo mo. 116 00:11:04,664 --> 00:11:08,210 Ayos lang ako gamit ito. Magpahinga ka pa, tapos aalis na tayo. 117 00:11:09,086 --> 00:11:10,420 Kailangan nating lumayo. 118 00:11:12,005 --> 00:11:13,423 Nagdurugo rin ang binti mo. 119 00:11:14,007 --> 00:11:16,218 Nadaplisan siguro ako ng bala. 120 00:11:16,802 --> 00:11:18,178 Hindi ko napansin sa gitna ng gulo. 121 00:11:22,974 --> 00:11:24,017 Napakapabaya ko naman. 122 00:11:30,524 --> 00:11:32,901 Inkarmat! Pumunta ka sa likod! 123 00:11:32,984 --> 00:11:34,069 Bilis! 124 00:12:01,346 --> 00:12:02,347 Tanigaki nispa. 125 00:12:16,236 --> 00:12:17,946 Ayos ka lang ba, Inkarmat? 126 00:12:18,530 --> 00:12:19,698 Umaga na. 127 00:12:19,781 --> 00:12:22,701 Nag-iingat siya dahil mayroon tayong baril. 128 00:12:23,368 --> 00:12:25,620 Kapag nakarating tayo sa mga bundok, maililigaw natin siya. 129 00:12:25,704 --> 00:12:27,664 Mas kabisado ko ang kabundukan kaysa sa kaniya. 130 00:12:37,883 --> 00:12:40,093 Ano iyon? May sumusunod ba sa'tin? 131 00:12:42,804 --> 00:12:44,306 Manganganak na yata ako. 132 00:12:49,436 --> 00:12:52,272 Tinulungan mo kami nang mabuti. Salamat. Patawarin mo sana ako. 133 00:13:12,334 --> 00:13:14,920 Sinusundan ko ba ang dugo ng kabayo? 134 00:13:16,087 --> 00:13:18,673 Sandali na lang. Kaya mo iyan. 135 00:13:19,591 --> 00:13:22,177 Ayos ka lang. Kasama mo ako. Kaunting tiis na lang! 136 00:13:22,761 --> 00:13:24,179 Magiging ayos lang ang lahat! 137 00:13:47,244 --> 00:13:48,370 Huci. 138 00:13:48,453 --> 00:13:50,247 Pasensya na… nandito na uli ako! 139 00:14:01,800 --> 00:14:05,136 Hindi ba may kawal mula sa Ikapitong Dibisyon ang nagbabantay sa nayong ito? 140 00:14:05,929 --> 00:14:07,222 {\an8}Ayos lang. 141 00:14:07,931 --> 00:14:11,851 Bawat gabi ay nilalasing siya ng asawa ko, 142 00:14:11,935 --> 00:14:15,730 kaya kahit tapakan siya ni Osoma sa mukha, tanghaling tapat na siya magigising. 143 00:14:21,319 --> 00:14:22,821 Ano ang ginagawa ni Huci? 144 00:14:22,904 --> 00:14:25,365 Tinitingnan kung babae o lalaki ang sanggol. 145 00:14:25,448 --> 00:14:28,493 Kung lalaki, ipapanganak ito nang nakababa ang mukha, 146 00:14:28,577 --> 00:14:30,829 at kung babae, isisilang ito nang nakataas ang mukha. 147 00:14:30,912 --> 00:14:32,622 Nang sa gayon, magiging mahaba ang buhay ng bata. 148 00:14:33,206 --> 00:14:36,042 Matutukoy niya kung ano iyon matapos lang kapain ang tiyan? 149 00:14:36,126 --> 00:14:38,503 Matutukoy niya kapag kinakapa kung gaano kalapad ang balakang, 150 00:14:39,087 --> 00:14:40,714 pero kasanayan iyon na mahirap pag-aralan. 151 00:14:41,548 --> 00:14:44,843 Sinabi ni Huci na isang espirtu sa likod ng ulo niya ang kumakausap sa kaniya. 152 00:14:45,760 --> 00:14:48,930 Mula ng 19 na taong gulang siya, nagpapaanak na si Huci. 153 00:14:49,014 --> 00:14:51,683 Isa siyang ikoinkarmat na may mayamang karanasan. 154 00:14:51,766 --> 00:14:53,393 Isang komadrona. 155 00:14:53,977 --> 00:14:56,646 Siya pa ang nagpanganak kay Asirpa. 156 00:14:57,230 --> 00:15:00,108 Mabuti. Iiwan ko si Inkarmat sa iyong pangangalaga. 157 00:15:01,192 --> 00:15:03,903 Alam ni Sarhento Tsukishima ang tungkol sa kotan na ito. 158 00:15:04,404 --> 00:15:06,990 Kalaunan ay hahanapin niya kami. 159 00:15:07,907 --> 00:15:11,953 -Haharangin ko siya sa kabundukan. -'Wag, Tanigaki nispa! 'Wag kang lumaban! 160 00:15:12,454 --> 00:15:13,705 Babalik ako. 161 00:15:13,788 --> 00:15:14,998 Isa akong imortal. 162 00:15:15,498 --> 00:15:18,376 Hindi ka imortal! Dapat tayong tumakas! 163 00:15:25,383 --> 00:15:27,260 -Ano'ng nangyari? -Tigilan mo na ito! 164 00:15:30,805 --> 00:15:32,140 Ako lang ang kailangan mong patayin! 165 00:15:32,223 --> 00:15:34,476 Huwag kang gagawa ng kahit ano na masasaktan sina Inkarmat o Huci! 166 00:15:35,060 --> 00:15:36,519 Praybayt ng Unang Klase Tanigaki. 167 00:15:37,187 --> 00:15:40,148 Napakatagal nang panahon, gumawa ka ng malaking pagkakamali. 168 00:15:40,940 --> 00:15:44,402 Iniwan mo ang mga kawal para lang sa mahal mo at sa lolang iyon. 169 00:15:46,363 --> 00:15:47,572 Tsukishima! 170 00:15:48,365 --> 00:15:50,450 Tama na iyan! Tigil! 171 00:15:51,034 --> 00:15:55,372 Sinundan mo ba ako para matiyak na makakatakas sila nang ligtas? 172 00:15:56,539 --> 00:15:58,833 Ano ang punto ng pagpatay sa kanila? 173 00:15:59,417 --> 00:16:03,588 May ibang paraan para mahanap si Asirpa. 174 00:16:04,214 --> 00:16:06,007 Hindi ba mas mainam na pakawalan sila? 175 00:16:06,591 --> 00:16:09,552 Walang saysay ang mga banta kung hindi mo sila tototohanin. 176 00:16:09,636 --> 00:16:11,471 Dapat tayong magbigay ng halimbawa. 177 00:16:13,056 --> 00:16:15,433 Tandaan mo, kapag naging sagabal ka, papatayin kita. 178 00:16:16,393 --> 00:16:19,437 Gusto mo rin bang pagtaksilan si Tinyente Tsurumi? 179 00:16:20,772 --> 00:16:23,108 Kaninong panig ka ba? 180 00:16:24,192 --> 00:16:26,111 Nawala na ba ang tiwala mo at nagpasyang umaklas 181 00:16:26,194 --> 00:16:30,156 dahil kayo ng tatay mo ay ginamit ni Tinyente Tsurumi? 182 00:16:32,659 --> 00:16:33,910 Ibaba mo ang sandata mo. 183 00:16:33,993 --> 00:16:35,495 Ipinag-uutos ko 'yon. 184 00:16:36,121 --> 00:16:41,251 Ako mismo ang magiging saksi sa kung ano ang gagawin ninyo ni Tinyente Tsurumi. 185 00:16:43,253 --> 00:16:45,004 Tsukishima… 186 00:16:46,381 --> 00:16:49,050 Hindi ba sinabi mo na ayos lang na makamit ni Tinyente Tsurumi ang mga mithiin niya 187 00:16:49,134 --> 00:16:52,220 at magligtas din ng mga tao habang ginagawa iyon? 188 00:16:52,971 --> 00:16:54,305 Buweno, sang-ayon ako. 189 00:16:54,973 --> 00:16:59,269 Kaya ayos lang sa akin na gamitin niya tayo para roon. 190 00:17:01,730 --> 00:17:06,901 Pero gusto kong matiyak ang totoong layon niya! 191 00:17:07,569 --> 00:17:11,364 Kung walang hustisya sa likod noon, 192 00:17:12,323 --> 00:17:14,868 hahantong lang ito sa pagkakasala at panghihinayang. 193 00:17:15,910 --> 00:17:19,581 Sa dahilang iyon, hindi natin sila maaaring patayin. 194 00:17:20,165 --> 00:17:21,416 Huli na ang lahat para sa akin! 195 00:17:22,375 --> 00:17:24,252 Napakarami ko nang napatay 196 00:17:24,335 --> 00:17:26,421 at ginamit ko ang iba hanggang mamatay sila. 197 00:17:26,504 --> 00:17:27,881 Hindi pa huli ang lahat! 198 00:17:29,424 --> 00:17:31,968 Tinalikuran ko ang mahalaga… 199 00:17:33,762 --> 00:17:35,013 at sinayang lang lahat iyon. 200 00:17:36,765 --> 00:17:39,392 Kailangan kong gawin ang trabaho ko. 201 00:17:40,935 --> 00:17:44,773 Napakarahas at nakapalupit… Dahil ba iyon sa lahat ng nawala sa iyo? 202 00:17:45,398 --> 00:17:46,399 Tsukishima! 203 00:17:55,200 --> 00:17:56,451 Inkarmat… 204 00:18:01,748 --> 00:18:03,082 Ang sanggol ba… 205 00:18:10,256 --> 00:18:11,257 Inkarmat! 206 00:18:12,967 --> 00:18:15,220 Lalabas na ang sanggol! Kailangan ko ng tulong ninyo! 207 00:18:16,054 --> 00:18:17,931 Ikaw! Magpakulo ka ng tubig! 208 00:18:18,556 --> 00:18:21,017 Ikaw! Manguha ka ng dayami! 209 00:18:21,601 --> 00:18:23,102 Ikaw! Bantayan mo ang sanggol na ito! 210 00:18:27,607 --> 00:18:31,069 Sandali! Manguha kayo ng ganito sa ibang mga bahay. 211 00:18:31,694 --> 00:18:32,695 Noyaham. 212 00:18:32,779 --> 00:18:34,739 Bungkos ito mula sa mga dahon ng mugwort. 213 00:18:34,823 --> 00:18:36,449 Mas mainam kaysa sa bulak para pigilan ang pagdurugo. 214 00:18:37,283 --> 00:18:39,369 Magbabad ng rasupa kap sa mainit na tubig. 215 00:18:39,452 --> 00:18:41,120 Lumilikha ito ng antiseptiko. 216 00:18:41,204 --> 00:18:43,373 Nakakatulong ito sa paglusot sa daanan ng bata. 217 00:18:43,998 --> 00:18:46,584 At isabit mo itong tar mula sa poste sa kisame. 218 00:18:46,668 --> 00:18:48,127 Makakapitan niya ito habang umiire. 219 00:18:48,920 --> 00:18:52,465 Ikalat ang dayami sa kaliwa ng dapog at takpan ito ng tela. 220 00:18:52,549 --> 00:18:54,259 Doon siya manganganak. 221 00:18:57,512 --> 00:19:01,099 Kung katabi ko ang diyos ng panganganak 222 00:19:01,182 --> 00:19:04,727 at maingat akong binabantayan, 223 00:19:04,811 --> 00:19:08,523 magkakaroon ng mabuti at payapang panganganak, 224 00:19:08,606 --> 00:19:11,818 at maihahandog ko ang sanggol sa mga diyos. 225 00:19:15,405 --> 00:19:17,240 Pumasok kayong lahat! 226 00:19:18,449 --> 00:19:20,076 Ilagay ang malaking kanyon sa sahig na lupa. 227 00:19:21,452 --> 00:19:22,579 Nisu horipire! 228 00:19:23,496 --> 00:19:26,374 Isa itong usuodorase. Proteksyon ito sa mahirap na panganganak. 229 00:19:26,457 --> 00:19:29,043 Pagulungin pa ninyo. Sige pa! 230 00:19:29,794 --> 00:19:32,297 Isiniksik ni Huci nang mahigpit ang bungkos sa pagitan ng talampakan niya 231 00:19:32,881 --> 00:19:35,091 at idinikit ito sa puwit ng babaeng nagdadalantao. 232 00:19:35,174 --> 00:19:37,844 Isa itong pamamaraang Ainu na kilala bilang kemakokiru. 233 00:19:37,927 --> 00:19:41,014 Ginagamit ito para pihitin ang bata ayon sa kasarian nito 234 00:19:41,097 --> 00:19:43,057 at ligtas itong iluwal. 235 00:20:14,756 --> 00:20:17,300 Napakagaling mo, Inkarmat. 236 00:20:18,217 --> 00:20:21,054 Puwede mo ba siyang kargahin? 237 00:20:26,142 --> 00:20:27,644 Napakagandang ari. 238 00:20:27,727 --> 00:20:29,812 Iyan ang natirang pusod… 239 00:20:32,023 --> 00:20:33,358 Mayroon akong anak na babae. 240 00:20:36,194 --> 00:20:37,445 Hoy, gumising ka! 241 00:20:41,824 --> 00:20:44,077 Wala kaming sasabihin kay Tinyente Tsurumi, 242 00:20:44,577 --> 00:20:47,330 kaya makakapahinga ka sa bayan ng isang linggo. 243 00:20:47,997 --> 00:20:51,501 At pagkatapos ay iuulat na ayos lang ang lahat. 244 00:20:53,211 --> 00:20:56,047 Maraming salamat, Ikalawang Tinyente Koito! 245 00:21:00,885 --> 00:21:02,261 Tanigaki nispa. 246 00:21:02,845 --> 00:21:05,014 Osoma! Ayos ka lang ba? 247 00:21:05,098 --> 00:21:06,766 Osoma! 248 00:21:14,857 --> 00:21:15,942 Ikalawang Tinyente Koito, 249 00:21:16,818 --> 00:21:18,945 naging tapat ka ba? 250 00:21:19,821 --> 00:21:22,281 O niloloko mo lang ba kami? 251 00:21:23,658 --> 00:21:25,284 Isipin mo kung anuman ang gusto mo. 252 00:21:26,661 --> 00:21:29,205 Ngunit tutol akong maniwala na si Tinyente Tsurumi 253 00:21:29,288 --> 00:21:32,375 ay isasakripisyo ang lahat para lang lagyan ng pera ang bulsa niya 254 00:21:33,251 --> 00:21:35,712 o masiyahan ang anumang pagnanasa sa kapangyarihan. 255 00:21:36,212 --> 00:21:39,674 Mahirap paniwalaan na ganoong klase siya ng tao. 256 00:21:41,217 --> 00:21:42,969 Wala ka man lang bang masasabi 257 00:21:43,469 --> 00:21:45,680 tungkol sa totoo niyang layunin? 258 00:21:47,098 --> 00:21:50,727 Baka wala talagang totoong layon. 259 00:21:51,227 --> 00:21:54,439 Baka nais lang niyang parangalan ang mga kasama niya 260 00:21:54,522 --> 00:21:56,566 at makitang umunlad ang bansa niya. 261 00:22:03,781 --> 00:22:05,199 Ang mga buto ng daliring iyon… 262 00:22:06,117 --> 00:22:07,952 Nakita mo na ba ang mga buto ng daliring iyon? 263 00:22:08,745 --> 00:22:09,954 Kaninong mga buto ng daliri? 264 00:22:11,497 --> 00:22:14,083 Huwag na lang. Hindi na siguro mahalaga. 265 00:22:17,003 --> 00:22:19,881 Ang ilagay sa panganib ang buhay na makipaglaban para sa mga kasama mo… 266 00:22:19,964 --> 00:22:21,632 Iyon ang pangarap ng bawat kawal. 267 00:22:22,633 --> 00:22:24,260 Hindi ba tama iyon, Tsukishima? 268 00:22:24,969 --> 00:22:28,639 Hindi maganda ang mawala ang tiwala mo kay Tinyente Tsurumi. 269 00:22:29,390 --> 00:22:31,976 Ibibigay ko ang buong tiwala ko sa kaniya, 270 00:22:32,643 --> 00:22:34,896 at maaari mo akong pagkatiwalaan. 271 00:22:42,278 --> 00:22:43,863 Gaya lang nito, Tsukishima. 272 00:22:43,946 --> 00:22:45,406 Hindi ko siya maintindihan. 273 00:22:45,907 --> 00:22:49,702 {\an8}MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO 274 00:22:50,620 --> 00:22:53,414 {\an8}Iuulat ko na tumakas ka. 275 00:22:54,332 --> 00:22:57,168 {\an8}Pumunta ka sa timog para iwasan ang iba. 276 00:22:57,752 --> 00:23:01,172 Maraming salamat sa kabaitan mo, Koito nispa. 277 00:23:01,255 --> 00:23:03,257 Galingan ninyong lahat. 278 00:23:04,383 --> 00:23:05,635 Tsukishima nispa, 279 00:23:06,636 --> 00:23:10,139 sasabihin ko ba sa iyo kung ano ang pinakita ng ikalawang pangitain? 280 00:23:11,808 --> 00:23:13,226 Hindi na kinakailangan. 281 00:23:26,197 --> 00:23:28,407 Tinulungan akong muli ni Huci. 282 00:23:28,491 --> 00:23:29,742 Gaya ng dati. 283 00:23:35,915 --> 00:23:38,709 Susunod na Bahagi: "Steamboat."