[![Open Source Love](https://badges.frapsoft.com/os/v1/open-source.svg?v=103)](https://github.com/ellerbrock/open-source-badges/) [](https://join.slack.com/t/firstcontributors/shared_invite/zt-1hg51qkgm-Xc7HxhsiPYNN3ofX2_I8FA) [![License: MIT](https://img.shields.io/badge/License-MIT-green.svg)](https://opensource.org/licenses/MIT) [![Open Source Helpers](https://www.codetriage.com/roshanjossey/first-contributions/badges/users.svg)](https://www.codetriage.com/roshanjossey/first-contributions) # Mga unang kontribusyon Mahirap. Laging mahirap sa unang beses ng anumang gawain. Lalo na sa isang kolaborasyon, kung saan hindi komportableng paglaanan ng tuon ang mga pagkakamali. Gusto naming simplehan at linawin ang modernong pamamaraan kung papaanong matuto at tumulong ang mga bagong *open-source contributors*. Maaaring makatulong ang pagbabasa ng mga artikulo at panonood ng mga *tutorials*, pero ano pa bang mas epektibong pamamaraan kaysa sa aktual na aplikasyon ng isang pagsasanay? Ang pangunahing pakay ng proyektong ito ay gabayan ang mga baguhan na gawin ang kanilang unang *contribution*. Kung ikaw ay isa sa mga taong iyon, sundin lang ang mga sumusunod na tagubilin. #### *Kung hindi ka komportable na gumamit ng *command line*, [ito ay mga tutorials gamit ang mga *GUI* tools.](#Mga-tutorials-gamit-ang-ibang-tools)* fork this repository Kung hindi naka-*install* ang *git* sa iyong kompyuter, [i-install mo](https://help.github.com/articles/set-up-git/). ## I-fork ang repository I-fork ang *repository* sa pamamagitan ng pag-click ng *fork* *button* na matatagpuan sa bandang itaas na kanan ng *webpage* na ito. Magkakaroon na ng kopya ng *repository* na ito sa iyong account. ## I-clone ang repository clone this repository Ngayon, i-clone ang na-fork na repository sa iyong kompyuter. Pumunta lang sa iyong GitHub account, buksan ang nai-fork na repository, i-click ang clone button pagkatapos i-click ang *copy to clipboard* icon. Buksan ang terminal at i-enter ang sumusunod na git command: ```bash git clone "url na nakopya mo" ``` kung saan ang "url na nakopya mo" (wala ang mga panipi) ay ang URL ng repository (ang fork ng iyong proyekto). Pakitingnan nang mabuti ang mga nakaraang hakbang upang makuha ang url. copy URL to clipboard Halimbawa: ```bash git clone https://github.com/iyong-username/first-contributions.git ``` kung saan ang `iyong-username` ang iyong username sa GitHub. Mula sa command na ito, dito nagsisimula ng paggawa ng kopya ng nilalaman ng first-contributions repository mula sa GitHub papunta sa iyong kompyuter. ## Gumawa ng isang branch Pumunta sa kompyuter directory ng iyong repository (kung hindi ka pa nakapunta): ```bash cd first-contributions ``` Ngayon, gumawa na ng isang branch gamit ang `git checkout` command: ```bash git checkout -b ``` Halimbawa: ```bash git checkout -b dagdag-juan-dela-cruz ``` (Hindi kailangan ng salitang *"dagdag"* sa pangalan ng i-dadagdag na branch pero makatwiran pa rin na gawin dahil layunin ng branch ang pagdagdag ng iyong pangalan sa isang listahan.) ## Gumawa ng kinakailangan na pagbabago at i-commit ang mga nagawang pagbabago Ngayon, buksan ang `Contributors.md` file sa isang text editor, idagdag ang iyong pangalan. Huwag mong idagdag sa simula o sa hulian ng tinutukoy na file. Ilagay sa kalagitnaan ng file. At i-save and file. git status Kapag pumunta ka sa directory ng iyong proyekto at i-enter ang command na `git status`, may makikita kang mga pagbabago. Idagdag ang mga pagbabagong naganap papunta sa iyong branch gamit ang `git add` command: ```bash git add Contributors.md ``` Ngayon, i-commit ang mga nabagong files gamit ang `git commit` command: ```bash git commit -m "Add to Contributors list" ``` kung saan ang `` ay ang iyong pangalan. ## I-push ang mga changes sa GitHub I-push ang mga nabago mong files gamit ang command na `git push`: ```bash git push origin ``` kung saan ang `` ay ang pangalan ng branch na naidagdag mo kani-kanila lang. ## I-submit ang changes para sa review Pumunta sa iyong repository sa GitHub at may makikita kang `Compare & pull request` button, i-click mo ang tumutukoy na button. create a pull request I-submit ang pull request. submit pull request Pagkalipas ng ilang oras ay isasama ko ang mga pagbabago na nagawa mo papunta sa master branch ng proyekto na ito. May makukuha kang notification email kapag ang mga pagbabago ay na-isama sa proyekto. ## Saan na mula rito? Congrats! Nakumpleto mo ang standard _fork -> clone -> edit -> PR_ na workflow na lagi mong magagamit bilang isang kontribyutor! I-celebrate ang iyong kontribusyon at i-share mo sa mga kaibigan at followers mo sa pagpunta sa [web app](https://firstcontributions.github.io/#social-share). Puwede ka rin sumama sa aming Slack team kung kailangan mo ng karagdagan tulong o gustong magtanong. [Sumama sa aming Slack team](https://join.slack.com/t/firstcontributors/shared_invite/zt-1hg51qkgm-Xc7HxhsiPYNN3ofX2_I8FA). Ngayon, magsimula ka na mag-contribute sa ibang proyekto. Nagtipon kami ng listahan ng mga proyekto na may madaling issues na puwedeng-puwede kang makisabay. Paki-visit lang [ang listahan mula sa web app](https://firstcontributions.github.io/#project-list). ### [Mga karagdagan na materyal](../additional-material/git_workflow_scenarios/additional-material.md) ## Mga tutorials gamit ang ibang tools | GitHub Desktop | Visual Studio 2017 | GitKraken | VS Code | Sourcetree App | IntelliJ IDEA | | --- | --- | --- | --- | --- | --- | | [GitHub Desktop](../gui-tool-tutorials/github-desktop-tutorial.md) | [Visual Studio 2017](../gui-tool-tutorials/github-windows-vs2017-tutorial.md) | [GitKraken](../gui-tool-tutorials/gitkraken-tutorial.md) | [Visual Studio Code](../gui-tool-tutorials/github-windows-vs-code-tutorial.md) | [Atlassian Sourcetree](../gui-tool-tutorials/sourcetree-macos-tutorial.md) | [IntelliJ IDEA](../gui-tool-tutorials/github-windows-intellij-tutorial.md) |